Words Left Unspoken

Hindi naman siguro masama ung tumulong ng kung ano lang ang meron at kaya mong ibigay ngayon dba? Kaya ako nakakapagsalita ng ganito kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka sa sobrang pag iintindi mo sa pamilya mo makalimutan mong may binubuhay ka na ding pamilya at sa sobrang gustuhin mong ibigay lahat sa pamilya baka mamaya wala ng matira para sayo, para sa anak mo. Kahit para nalang sa anak mo. Kasi ako wla nman sakin yan eh. Ang importante skin ung anak mo. Dahil tangina pag ikaw ang nawalan sigurado ako walang tutulong sayo na kapamilya mo. Kasi lahat sayo nakaasa eh dba. Ikaw pa masisisi bat naubos pera mo. Tinuturuan lang kitang maging praktikal eh. Ako, pwede ako lumapit samin para manghiram ng pera PARA SA SARILI KO LANG hindi para pambuhay sa anak mo o pangangailangan nya. Putcha ni wala pako natutulong sa pamilya ko ni singkong duling tapos manghihiram pako? Kaya dba snasbi ko syo gusto ko magtrabaho para may katuwang ka sa gastusin. Kahit ba maliit na sahod yan laking tulong na din yan. Ayun nga lang walang mag babantay sa bata kaya ayoko din. Pero puta ayoko ng naiipit ka. Na para bang kelangan pasanin mo silang lahat porke ano isa ka sa pundasyon ng pamilya? Eh pano naman un pundasyon ng sarili mong pamilya? Masaya ka dto dba, ginusto mo to dba, pinaninindigan mo to dba? Pero hanggang saan? Kung talagang masaya ka, gusto mo to, pangarap mo at may paninindigan ka, talagang kelangan may mas matimbang sa dalawang pamilya ksi kung mas uunahin mo pa din ung pamilya mo kesa sa sarili mong pamilya edi wala din. Edi sana di ka nalang bumukod. Hndi mo rin pla kayang limitahan sla eh. Pano pa pag nagpakasal na? Dba sana habang pinapangarap mo palang to eh sumagi din sa isip mo ung mga pwedeng mangyari at mga sacrifices. Kelangan natin maging consistent sa desisyon na ginagawa natin.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganito kasi yan mga momsh, hindi kasi tanggap ng pamilya nya na nagkapamilya na sya agad. Hindi sla masaya para samin. Kaya ganto nangyayari. Naiipit kami. Na para bang laking kasalanan sakanila tong nangyari na to. Oo sge may pagkakamali man pero hndi ba dpat maging masaya sila at proud sa anak nila kasi kung ano man ung gnawa ng anak nila eh pinaninindigan nya? Binuhay nya ung anak nya? Tumatayo sya ngayon bilang ama na? Hndi ba dpat ikatuwa nila un? Kasi marunong ung anak nila? Gusto kasi ng pamilya nya sila unahin eh. Eh kaya lang nadisgrasya nga. Kaya heto. Tapos ngayong namomoblema nanay nya skanya nnman idadaing lahat ng galit. Sarap sabihan ng anak kasi kayo ng anak eh. Masyado kasing nagmamagaling ung nanay nya na akala mo alam nya na lahat. Eh kung ganun pala sana alam nya din na sa mga anak nya lahat yan magkakaron ng sariling buhay balang araw. Tapos sasabihan pa tong asawa ko na parang puros kahihiyan nalang dla sa pamilya. Eh putcha kung ang gusto mo palang mangyari eh mga anak mo ang bubuhay sayo balang araw eh. Edi hndi na un kusang loob na bigay dba. Sapilitan mo ng binibigyan ng responsibilidad at obligasyon ung anak mo sayo. Sabihin nyo nga mga momsh tama bako, ang magulang may responsibilidad sa anak, pero ang anak wala. Tama ba o mali? Oo sge andun na tayo sa utang na loob. Pero dba dpat kusa un? Pero bakit sa lahat ng bgay di pa spat? Gusto urada ganun. Hay nako.

Magbasa pa
5y ago

sis ramdam kita. panalangin ang ating sandata. wag tayong papatalo sa problema. ang hirap intindihin bakit may ganitong pangyayari, na para bang masama ka pag d na nakapagbigay. sa case ko kasi si hubby ko walang work at ako ang may work. walavng problema sa side ng family ko pero sa side ni hubby malaki. sobrang demanding, akala ng kamag anak nakajackpot ng mayaman na asawa siya. naaawa ako kay hubby, magkulang lang kami ng suporta sa maliit nya kapatid,,madami na masama sinabi, pero grabe kapag magkasakit hubby ko, ni ha ni ho walang nangangamusta. wala kaming aasahan sa kamag anak nya. grabe naawa ako kay hubby, kapag sya kailangan ng tulong, walang nakakakilala sa kanya pero kapag kailangan siya, kilalangkilala sya.... sabi ko kay hubby wag na sya mastress sa kamag anak nya , pasaway na ama at mga kapatid, kasi di naman sya ipapagamot o iappalibing pag nagkasakit o mamatay sya sa stress, isipin na lang nya kami mag ina nya. sis kaya natin to life must go on. see the silver lining.

Mahirap mg bdjet lalo kung sa partner mo lang my pera yes true talaga na pano ka tutulong kung sapat lang naman para sa inyo ang kita nyo imean wala masama tumulong or mg bigay tama naman na isipin muna dapat at unahan yung sarili mong pamilya bago umulong sa iba at yes sana alam din ng partner na wait baka kaposin tayo wag na muna tayo mg bigay sa ibang araw nalang ang hirap noh yung sige lang tapos pag ikaw wala wala naman ngbbgay sayo or khit nga utang wala din mgpautang pasalamat ako sa partner ko kc sulong anak tapos ang nanay nya my pingkakakitaan din so di nya need mg bigay kami pa ang pinapadalahan kc solo anak lang naman sya ako naman bago mg bigay sa pamilya ko ngsasabi muna ako sa knya

Magbasa pa

dapat sa part din kasi ng family niya,alam ng may pamilya wag na nila iasa lahat. super hirap ng ganyan.dpt sa partner mo, know the priorities.kasi kayo din mahihirapan nian.

Same momsh. Parang hanggang ngayon mas priority pa ang pamilya nya. Nakakalungkot isipin na mas iniisip pa nya sasabihin o mararamdaman nila kesa sa nararamdaman ko.

hugs mom, mahirap talaga pag usapang pera tapos yung family pa ng partner mo ang involved

VIP Member

ganyan talaga ang buhay