Post Partum Depression???

When i was still pregnant, iniisip ko how lucky i am to have my parents assist me and my husband in taking good care of our newborn. I gave birth last two weeks ago and got home last week.At first di ko maxado pinansin na naiinis ako, naiingayan sa parents ko basta nasa kanila si baby. puro karga, kanta, at baby talks sila. Akala ko pagod lang sa part ko since di madali ang birth journey ko. Mataas BP ko after ko manganak. But until now naiinis, naiingayan pa din ako tuwing kinukuha at kinakarga nila si baby. Emotional din ako maxado. Since may work husband ko, ako at ang parents ko ang magkasama. Super close naman kami ng parents ko e. Feeling ko di ko kaya alagaan si baby. Natatakot ako pag wala ang husband ko. Naiiyak ako lagi at tinatago ito. Nakakastress isipin na lagi may sinasabi ang parents ko na dapat ganito ganyan.. Kapagod mag explain na hindi pla tama yung ibang paniniwala nila. Sa ngayon lagi akong puyat, pilit nagpapabreastfeed. Stress, emotional at bugnutin.. Hahai. #1stimemom #advicepls #theasianparentph #breasfeedingmom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I can relate yo you mommy. When i was pregnant, okay lahat. Pero after ko manganak, nung umalis si hubby, parang andame kong galit sa mundo. Ayoko ng ganito. 😔