Nakakaiyak pero Nakakatawa

What's your story?

Nakakaiyak pero Nakakatawa
428 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kulay ng saging. Shookt pa nga si manong na nag titinda. Kase iniyakan ko yung saging bibigyan nalang nya ko pero sabi ko kawawa yung saging kung kakainin ko πŸ˜‚ Ang ganda pa naman ng kulay. Tas si Hubby ko tawa ng tawa tas binili nya para saken yung saging para masave daw namin di kainin ng iba πŸ˜‚

5y ago

hahahhahahaahahahhaha!!

6 weeks pregnant now. Ginising ko lang si husband sa gitna ng gabi, iyak ako ng iyak. Nag i love you ako ng paulit ulit tapos iyak lang ng iyak. Sabi ko mahal ko sya ng sobra sobra. Napraning husband ko bakit bigla akong iyak ng iyak. Niyakap ako hanggang nakatulog. Next day tawa kami ng tawa πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Super iniyakan ko tlga ay paglilihi ko. Gustong gusto ng asawa ko na kumain ako para dw sa baby nmin. Kakain nmn aq tapos susuka na ng bonggang bongga. Sisihin ko n asawa ko sabay iyak na parang bata.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Minsan pa gusto ko ng dinuguan, d aq pinagluto ng asawa ko, iyak ulit na parang bataπŸ˜‚πŸ˜‚

Yung binili ni hubby ung galunggong na babae e pinapabili ko galunggong na lalaki.. ayun iniyakan ko un ung time na naglilihi pa ko ee.. natawa nalang dn ako habang kinukwento ko sa family at friends ko.. pero walang nagawa c hubby nun binili dn nya ko ng galunggong na lalaki haha iniyakan ko tlg

VIP Member

nung nagpaalam ung asawa ko uminom sa labas pumayag ako pero deep inside auko hahaha . tas pag uwi niya humagulgol ako sa iyak nagtataka asawa ko baket daw , sabe ko auko kase nawawala sya sa paningin ko eh . tas un nagsorry nalang asawa ko kase super hagulgol talaga iyak ko hahahaha .

VIP Member

Yung feelings ko minsan hindi ko maitindihan, Heheh yun bang May gustong-gusto kang kainin tapos gusto mo thet day na naisipan mo siyang kainin, pag lumagpas ng isang araw at nakahain na sayo parang ayaw ko muna, tapos iba naman πŸ˜‚ napakahirap intindihin talaga pag buntis ang isang babae. πŸ˜…

yung nag papabili ako ng burger sa asawa ko tapus ang mabibilhan dalawang brgy.pa ang dadaan maka rating lang hating gabi pa yun ahh πŸ˜‚ and then hindi nya ako sinunun umiyak ako 😭 tapus sabi ko"hindi mo na ako love kasi ang panget ko na" then bumili na sya sa awa πŸ˜… 10 weeks pregy ❀

TapFluencer

Yung hindi agad nakasunod sa kwarto namin para matulog si mister kasi naman nagrereview siya para sa exam niya kinanmbukasan hahahaha. Feeling unloved ako agad. Tampo mode ako. Pero ok na ko isang yakap at kiss lang din ni mister kung bakit nakatalikod ako sa kanya matulog.. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Maghahating gabi na yon, tapos yung asawa ko kakatulog lang, bigla akong nagcrave ng hotdog ng 7/11 eh ayaw na niya bumangon dahil pagod rin sa prenup namin nung araw na yon, naiyak na lang ako kasi ayaw niya ko bilhan pero nung nakita niya na umiiyak na ko ayon napilitan din bumili. 🀣

VIP Member

Yung May nanghihingi sakin ng food Pero diko nabigyan kasi pinaglilihian ko yung food tapos bigla ako sinabihan ng madamot tas yon bigla ako naiyak habang sinasabing pag naman meron akong ibang pagkain binibigyan ko kyo pero Eto gusto ko kaya wag muna pls ahhaha napaka wierdo ko non hahaha