Nakakaiyak pero Nakakatawa
What's your story?
As in ngayon ngayon lang nangyari to. π Ikakasal na kasi kami soon, pag check ko sa kakakuha lang niya na marriage licence namin, wrong spelling ung apelido ko. Inaway ko na siya ng walang humpay at umiyak. π Kasi naman di manlang niya chineck bago tanggapin ung documents. π
Una, ung naiyak ako kc sarap n sarap ako s breakfast ko, sb ko sa hubby ko nakatingin skn "i dunno why" habang kumakagat s kinakain ko π Pangalawa, ung nanonood kmi ng action movie ng hubby ko pero iyak ako ng iyak dahil binubugbog ng bida ung kontrabida. It broke my heart. π
Gusto ko ng kingcorn ng gabi kaso wala ng bibilan. Ipagluluto daw ako ng asawa ko ng corn na may butter sbi ko ayoko ng may sabaw. Tapos sinabi ng kapatid ko may sabaw daw yung nilulutong corn ayun naiyak ako sa inis pero kinaen ko pa dn kasi masarap. Hahahaha
Nag-aasaran kami ni LIP kasi ang taba ko na ang laki ng tyan ko so kinokontrol ko na ung kain. Bigla sabi ba naman nya habang nakatapat sa tyan ko "yan nak ah ginugutom ka ng mommy mo". Hahaha. Iyak ako nun eh. Tas si LIP sabi nya "nag-aasaran lang tayo eh. Tas tawa ng tawa.
Tanghali nun, bigla nalang akong naiyak. Tapos nagulat si hubby at tinanong ako bakit. Tapos sabi ko, hindi ko alam kung anong kakainin ko ng tanghalian. Namroblema ako kung anong kakainin. Pagbuntis ka talaga konting bagay nagiging emotional ka. ππ€¦ββοΈππ
Hahaha for me pinaka nkakatwa ngayon na iniyakan ko nung buntis ako is yung na stress ako sa konting bagay naiyak na agad ako konting salita lng sakin ng asawa ko na hindi maganda at ngayon pag napapag usapan namin ni hubby natatawa kami kasi ang OA ko daw nung buntis ako
Nung nagcrave ako ng sinigang tapos nung nakabili kami, tuwang tuwa ako. Then pag uwi namin ng asawa ko, sinalubong kami ng alaga naming tuta, sabay kagat sa plastic ng sinigang ko. Ayun di ko na nakain. Kahit di kasalanan ni mister, sya padin inaway ko HAHAHAHA
3 months preggy na ko nun kasama ko pa si hubby nanood kaming netflix sa bahay . Comedy yung pinapanood namin bigla ako umiyak . Nung niyakap nya ko tapos tinanong kung bakit sabi ko "i dont why im crying"πππ tapos natawa sya . Lalo ako umiyak hahaha
Pakwan! π€£ Di ako makabili kasi wala huaband ko and malayo ang bibilhan tapos nong may nagmagandang loob para mabilhan ako, mga 4 slices lang kinain ko tapos tinitingnan ko nalang siya sa lamesa. Wala lang. Nakakatawa na iniyakan ko yung pakwan. π
Madami. π€£π€£ pero dabest yung nakita kong walang takip yung toothbrush inatake pa ako ng anxiety ko nun, almost 1hour akong nagmukmok sa cr, then found out nakapatong lang pala dun sa gallon. Lumabas ako ng cr ng magang maga yung mata ko. π€£