Nakakaiyak pero Nakakatawa

What's your story?

Nakakaiyak pero Nakakatawa
428 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung bday ng hubby ko., usapan ng co work niya is mag swimming so nag asikaso na kami ng pagkain to bring and nakabalot na lahat as in ready na tas biglang nag chat mga ka work niyang iba na instead na sumama sa swimming pupunta nalang daw sila sa house to eat kisyo ganto ganyan daw., ako naman parang timang ayaw ko pabuksan yung ready na food kasi katwiran ko usapan is usapan nga naman ee no choice c hubby nasa gate na namin so pinapapasok niya and pinakain ., ang ending is 9pm na kami nkarating ng resort na dapat ay 6pm lang kasi inaway ko talaga cia at nagdadabog pako habang kumain mga bisita niya.,dipa nkaalis pinasok niya ko sa room and din dun kona pinagsisigawan kasama iyak c hubby .,iyak ako ng iyak na naging dahilan ng away namin at binastos ko tlga mga co work niya.,,, after that happen nahiya ako sa sarili ko bat ganun inasta ko wala namang masama dun ee nag eeffort pa nga sila pumunta sa house to have a pressence for my hubbys bday hahahahaha ganun pala talaga pag preggy may mga ugali kang lalabas na di ko nmn talaga inuugali hahahaha

Magbasa pa

Naalala ko nun ng pinag bubuntis ko ung panganay ko hapon nun nag hahanap ako ng bituka ng baboy wla ako nakita pag uwe ng asawa ko galing work at pagod na pagod siya sabi ko sa kaniya hanap niya ako ng bituka ng baboy bigla niya ako sinigawan at nagalit siya sabi niya sakin tanga kaba alam mung hapon na wala na nag titinda nun sa madaling araw lng un bigla nlng ako tumalikod at umiyak ng umiyak ako bila niya ako niyapos niya ako at ng sorry siya sabi niya cge hahanap kita sabi ko sa kaniya paiiyakin mo pa ako bago ka mag hanap..... Nakabili siya sa mga nag iihaw ihaw tapos pinapirito ko sa kaniya at pinakain ko sa aso namin sa muka ng asawa alam ko nagagalit siya pinipigilan lng niya..... Tuwing naaalala ko un natatawa nalang ako hahaha

Magbasa pa

Pagkain, Share ko lang hahaha recently lang to, gustong gusto ko kasi kumain ng kwek2 tska isaw kaso si partner hndi dw mkakadaan sa bilihan kesyo gagabihin na dw sila, tas sabi nya try ko dumaan duon bilhan kita ako naman tong nagsabi na "WAG na, kakain nalang ako ng kanin", syempre kpag buntis ka maramdamin/matampuhin kaya ayun umiyak talaga ako ng bongga hahaha kasi gustong gusto ko kumain nun, but the good thing here is pagdating ni lip may dala dala syang kwek2 tska buko at maja blanca kaya nwala yung tampo ko sa kanya nun, at panay explain sya sa akin hehe share ko lang kasi kahit ganun si Lip ramdam ko talaga na mahal na mahal nya kami ni Baby ❀️

Magbasa pa

Nung 5 weeks palang ako nagstart na ang insomnia frustrated ako di makatulog dahil kasi yung pt ko malabo. Nung time naman yun nagtitipid kami sa kuryente kaya di namin binubuksan ang a.c. Bintana lang at door binubuksan eh sobrang ingay di ako makatulog lahat ng ingay naririnig ko nagdadabog na ako sa inis tas ayaw din ipagamit ang a.c. Nag impake ako ng gamit hatinggabi kasi plano kong layasan asawa kp dahil sa inis 🀣. Kinabukasan pagising ko nagbago naman ang isip ko tas sinabi ko sakanya na plano ko syang iwan sya naman ang nagtampo 🀣. Nagpunta ako ng lab nagpa pt tas ayun nalaman naming positive sobrang saya ko. Sabi nya masaya ka na? πŸ˜‚

Magbasa pa

Nung naghahanap ako ng chocomoron tapos na sa pasig pa ginawa ko pina angkas ko medjo May kamahalan and then sinabi ko sa hubby ko na gusto ko talaga chocomoron eh nagagalit sya kasi my diabetes ako sabi ko ngayon lng naman eh fast forward after 3hrs of waiting nanjan na pala si kuya driver nung pinadeliver ko kunin ko na sana sa kanto di ako pina labas ng hubby ko iyak ako ng iyak buti na text ko yung dalawang kptid ni hubby na babayaran yung chocomoron na order ko ang saklap nasa work pa sila Omggg buti nasabihan yung mother ng hubby binayaran nyaa tapos pumunta dto bhay dala2 yung chocomoron talaagaa umiiyak ako Tawang-tawa si Mother Earth hahaha

Magbasa pa

Nung nanood ako ng Kapuso mo Jessica Soho, then Kapre yung segment nila. Sa sobrang antok ko pumasok na ko sa kwarto at pinatay ang ilaw para matulog. Hanggang sa nakatulog na ako, naalimpungatan na lang ako ng may nakatayong lalaki sa harapan ko. Sa sobrang takot ko nagsisigaw at humagulgol ako. Asawa ko pala yung nasa harapan, ikikiss nya lang daw ako ng goodnight. Sa sobrang iyak ko niyakap nya ako. Tinabihan nya ako sa kama tapos nakatulog na lang ako sa dibdib nya ng nakayakap at humihikbi pa ng parang bata.

Magbasa pa
VIP Member

Naalala ko recently lang nangyari, sobrang nag ccrave ako sa Banana. Nag confirm na yung asawa ko na sige banana daw yung ibibili niya. Pero paguwi nya, buko ung inuwi nya sa akin. Iyak ako ng iyak kasi nga gusto ko ng saging πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ stress na stress na yung asawa ko kasi pagod na sya sa work tapos di nya pa alam kung saan sya bibili ng saging πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Kinabukasan paguwi nya galing work, nag dala sya ng saging tapos tinitigan ko lang. Kahapon ko pa lang naman gusto un eh wahaha

Magbasa pa

Hnd q p alm n buntis aq, hbng nsa daan pauwi ng cainta galing probinxa, gustong gusto q tlga kumain ng banana q. S hinaba haba ng drinive, wala kmi nkita khit isa. Sobrang inis q, maluha luha tlga aq. Inidlip q nlng, ayun nanaginip agad n kumakain aq ng napakasarap n banana cue. Ang cute p kz naamoy q. S panaginip q, nginunguya q, bgla n lng aq nagising, ngumunguso n pla aq. Bgla q tinignan, asawa q, buti n lng ndi n npansin kundi katakot takot n katatawanan inabot q. Nkwento q nga s knila, tawang tawa nlng kmi.

Magbasa pa

CHICKEN INASAL. HAHAHA! Ang aga ko gumising at naligo agad super excited ako laway na laway na πŸ˜‚ Sabay ayaw akong samahan kumaen ni Mahal dun. Todo iyak talaga me πŸ˜‚ Dabog dabog palabas ng gate kunwari ako nalang mag isa ppunta. Ang bwisit hindi ako sinundan purke ayaw nyang kumaen don. Sobrang init bumalik ako ulit sa loob at nag emote Haha. Niyapos naman ako at nikiss sasamahan nyadaw ako Haha. Hanggang ngayon niloloko nyako. Ginagaya nyayung pag iyak ko bwiset muka talaga akong shungak Haha πŸ˜‚

Magbasa pa

1.) Nag papahanap po ako ng donut at sylvanas ng hating gabi (yung nagalit si hubby kasi wala daw open ganun na oras) 2.) Nung bibigay ng Lola ko yung isang box ng donut sa tagalinis namin. Dala pa ng husband ko yun galing manila para saaqin. Grabe ang iyak at hagul-gul ko sa CR habang naliligo. Kaya yung mama ko binilihan ako ng isang box kaagad 🀣🀣 3.) Also yung grabe ang "Nesting Instinct" ko. Iniiyakan ko maliit na bagay lalo na pag magulo/makalat ang bahay, kwarto or shop po namin.

Magbasa pa