Just Random Thoughts
What if your husband cheated on you, yung kind of cheating na sineryoso talaga niya yung lover niya and may nangyayari sa kanila, would you give him another chance? Why or why not? Ps. Wala po ako sa sitwasyon na yan, talagang bigla ko nalang po siya pumasok sa isip ko. Loyal po partner ko samin ng baby namin. ☺?

No po. Iniisip ko pa lang, ang sakit sakit na. Paano pa kaya kung mangyari talaga. Second chance is afor thise people na deserve talaga nila. Cheating is a choice. Alam naman natin sa sarili natin na hindi tama yun, and makakasakit tayo. May problema kayo ng asawa/partner niyo? Pag-usapan. Kung hindi na talaga kayang solusyunan, much better kung maghiwalay na lang kaysa patuloy yung relasyon niyo, pero yung isa may gusto na palang iba. Kung mahal ka ng tao, kahit anong tukso pa ang ibigay dyan, hindi yan magloloko. Siguro nga may mga taong nagbabago after ng ginawa nilang panloloko, pero hindi na nila maibabalik yung samahan at tiwala ng mga asawa nila.
Magbasa pa
Kylie’s mommy ✨