High OGTT result

For a week pinag monitor ako ng ob ko using glucometer. Before breakfast, 2 hours after each meal. Normal lahat lumabas sa glucometer. Kaya lang kanina nag test ako. For OGTT 75mg after 2 hours 186.91mg ung result. Kailangan pa ba mag take ng insulin kung kaya ko naman i control yung food intake ko sa bahay? Kasi delikado kapag nag insulin kahit normal naman sa glucometer, baka mauwi sa hypoglycemia. Anyone na may same case?

High OGTT result
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy, I had GDM po for both of my pregnancies. Fortunately, hindi naman po kinailangan mag insulin nadaan naman sa diet. 😊 It’s important also that you secure an appointment with an endocrinologist para mas mabigyan ka ng proper advice how to manage your blood sugar. On a side note, what I observed helped me manage my sugars was drinking malunggay capsules. Originally intended to drink it lang kasi I was planning on exclusively breastfeeding my baby, para sure na may milk ako once he comes out. Turns out na naka tulong din siya to lower my blood sugar. 😊 I started taking malunggay capsules at 34 weeks, with permission from my OB.

Magbasa pa
4y ago

Wow Momshies ok yan, I'll ask permission din sa ob ko kung pwede ako mag malunggay capsules. Appointment ko sa endo is jan 4 pa. Kaya for now low carb diet ginagawa ko para ma maintain ko pa din sugar level ko. Thank you 😊

Hi, momshie! I feel you. During my first appointment sa internal medicine doctor ko, she advised me to go on a strict diet and do some light exercises like walking. A few weeks later, normal naman na daw blood sugar level ko. Hindi na nya ako pinag insulin or pinainom ng any medicine. Try mo muna mag consult sa IM specialist. :)

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din po ako nun pin monitor po sakin ng OB yung blood sugar ko for more or less a month. Nirecord ko lang po yun lahat. 4 times a day kas ako mag check. Nag normal naman po kasi yung sakin kaya di na ako pinag take ng insulin. Better pa rin pong sa OB kayo manghingi mg advice kung ano na po dapat nyo gawin.

Magbasa pa

ang doctor po (endo) ang magaadvise sayo kung ano ang maganda mong gawin. sila nakakaalam if need mo maginject ng insulin or hindi. or oral medication lang. hindi sya para iconsult sa ibang mommy dito or decide for yourself.

TapFluencer

Sa case ko nag metformin lang ako ng preggy ako. Mataas din sugar ko non pero tlgang controlled sa pagkain. Pagawa ka ng meal mo sa dietitian :) rerefer ka ng doctor mo. Ganon ginawa sa akin non.

alam ko normal is below 149 at 95. not sure kung ilan dyan ung sa fasting. hehe ako ksi pnag ganyan din pero lahat ng result below 100 sguro 104 na pinaka mataas ko

Diet ka momsh. 1 cup rice every meal. Skip snacks if maari, or 1 biscuit if gutom. Na control ko sugar ko. I'm still diabetic but not insulin requiring.

Ako po pinag take lang nang metformin, control po yung blood sugar ko. 37weeks 4days na po ako.

yung sa OGTT kasi na pinapainom na juice talagang matamis siya kaya ang result is magiging mataas din.

4y ago

Walang mali sa procedure. Kukunan ka naman ng dugo before ka uminom, then kukunan ka ng dugo after an hour ng pag inom mo at after 2 hours again.. wala kang kainin or iinumin sa loob ng 3 hours at 75 grams of glucose lang ininom mo, dyan mo makikita kung gaano mo na kabilis or kabagal ang pag metabolize ng blood sugar glucose mo within that time frame.

normal naman po. 90-120 ang normal na blood sugar result