Worried Wife
Just wanted to share lang po ng hinanakit kasi wala ako ibang masabihan as in WALA. Ang husband ko kasi dating ofw then nung 2018 dumating sya pero supposedly last year nakaalis na ulit sya but then nagkaproblema sa agency sa ibang bansa kaya till now di pa sya nakakaalis. Problema ko ngayon finances namin since dumaan ang pasko at bagong taon lumaki ang gastos and since pinag resign nya ko last year because I'm 4months pregnant kaya wala nang income na pumapasok sa amin..may business ako na loading and nag luluto luto narin ako ng kung anu ano para lang may maibenta at hindi labas ng labas ang pera pero kulang parin dahil may monthly check up ako and malapit narin manganak pero si hubby parang chill lang habang ako worried much na sa mga nangyayari kasi wala pa ako nabibiling gamit para sa paglabas ng baby namin. Sabi ko sa kanya mag apply na muna sya sa malapit para kahit papaano di kami mazero paglabas ni baby pero lagi nya sinasabi kalma lang daw ako na magtiwala lang daw ako sa kanya. Di ko na po alam gagawin although di naman kami nag aaway about dun pero pinaparamdam ko sa kanya na naiinis ako. na nagagalit ako. na nag aalala ako sa mga mangyayari sa amin. lagi nalang ako sa cr naiyak kasi wala ako masabihan about sa prob. naming dalawa kasi ayaw kong masira sya sa paningin ng family ko. Mahal na mahal ko asawa ko. at sobrang maasikaso nya sakin lalo nung nabuntis ako kaso di ko lang makita sa kanya na may balak syang gawin kung bukas makalawa wala na kaming makain. Sana po may mai. advice kayo sakin. Salamat po sa pag babasa. kahit papano nailabas ko bigat ng saloobin ko.