BREECH!

34 weeks and 4 days na po tummy ko pero until now breech pa din daw as per ob. Worried lang ako kasi malapit na ko mag 37 weeks, may chance pa po ba na maging cephalic pa. Since 4 months sya di na nabago lagi na lang breech sinasabi ni ob. Nagtataka din sya bakit di man lang umikot. Any tips po para makaikot pa si baby sa position nya. Gusto ko sana talaga magnormal delivery. Mga 3 weeks na lang mag leave na ko sa work para mas makondisyon ko pa yung sarili ko sa paglabas ni baby. Sana may maadvice po kayo sa akin sa ibang way pa para makaposisyon pa sya. Maraming Salamat po. ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

31 weeks May 28 nagpacheck ako nka breech position c baby.. As per my o.b advice wag daw muna ako maglakad lakad,. Less Rice.. Nanood din ako sa youtube at nagsearch ginawa ko nman.. Magpatugtog ng Music (Baby Mozart) sa bandang puson tpos pailawan din ng flashlight, isa pang ginawa ko is 5mins na nakatuwad.. kausapin nyo din po c baby at samahan ng dasal kay Lord,. Lahat ginawa ko kasi ayaw ko din talagang ma cs.. Kaya nung Martes June 30 follow up check up ko kinakabahan talaga ako panay pray ko na sana nakaposition na si baby.. And Good news kc dininig ni Lord nka Cephalic (head down) position na talaga c baby.. Worth it lahat ng ginawa ko hehe..😄 Kaya ngaun sabi skin ni o.b pwede na ako maglakad lakad pra d na sya umikot at sumiksik na syang lalo, yun nga lang less rice pa din pra daw d ako mahirapan manganak😊 Try nio din mga momsh ramdam ko pag-aalala nyo ganyan din ako nung malaman kong nka breech position c baby..😊

Magbasa pa
Post reply image

2nd trimester ko mamsh breech din position ni baby, by 3rd trimester nanood ako sa youtube mga paraan kung paano mag Cephalic ang position. Ginawa ko mga napapanood ko like magpa music sa bandang puson, paikot ang pag himas sa tyan and syempre prayer na sana maging Cephalic si baby. And thank God, last ultrasound ko cephalic presentation na si baby dasal din talaga mommy and usap mo si baby. Godbless!

Magbasa pa

Yes mami. iikot pa yang baby mo! Kasi ako 36 weeks naka breech position pdn ang baby ko. Then 38 weeks nagpa ultrasound ako ulit, cephalic position na sya. Basta Kausapin mo lang sya palagi and pakinig ka ng music sa puson mo! ☺️ Effective. Dont worry umiikot pa naman ang baby kapag mismong kabuwanan mona. Hehe

Magbasa pa
VIP Member

Yung saakin dn momsh. In my case ksi kambal baby ko and breech pa yung isa. Currently 26 weeks plg ako ngayon. Hopefully umikot na ung isa para nama mainormal ko silang dalawa. Kausapin mo lg lagi c baby at samahan na dn ng dasal iikot din sya nyan.

Post reply image
VIP Member

May post po ako tungkol dito (mahaba po kasi ii).. sakin po sobra nyang likot hahahha 34 weeks & 3 days na.. andun po sa post yung mga ginagawa ko.

VIP Member

35-36 weeks normally naposition si baby sa loob. Saka tanong mo din po sa Ob mo. Tiwala lang mommy magiging okay din yan

5y ago

Thank you po, sana nga po... For check up lang kasi talaga ko sa Ob ko di po ako sa kanya manganganak. Mostly CS po yung gusto nya sa mga patients nya. Mabibilang pa lang po yung nanormal nya pero pilit lang sa kanya. Kaya di po ako nagtatanong sa kanya ng package. Minsan ako nagtanong kung kelan ako pwede magwalking or magtagtag ba, ang sagot sakin di daw sya naniniwala sa ganun. Napili ko lang sya na Ob ko kasi Ob-Sono sya kaya plus factor na namomonitor nya monthly si baby sa ultrasound.

VIP Member

Best to ask your baby kung paano pa pwede umikot si baby

same case momsh currently 35 weeks and 5 days.