Ano ang feeling pg wala trabaho ang husband?
Hello. Just wanted to ask ung open-minded opinion neo kung wlang trabaho ang husband. Ako pla ang husband, then mwawalan ako ng work this month at wla pa ako nahanap na kapalit. Tapos hnd ko pa alam kung may masasahod ako this month. May mga loans/utang ako. May binabayaran pa ako sa lupa. Bale lahat un nsa 15k. At hnd ko alam kung saan ako kukuha pambabayad ko this month. Ayaw ko naman na hnd mkabayad para hnd ako masira sa nkautangan ko. Si misis ko may savings pa na around 25k sa bank. Hnd ko masabi sabi skanya na gusto ko humiram sa savinga nya pambayad ng utang ko kasi last time na humiram ako ng savings nya na ginastos sa pagpagawa ng bahay ay hnd ko na napalitan. Kaya nahihiya na din ako pgdating sa savings nya kasi bka mamaya isusumbat na naman nya saken na kinukuha ko savings nya tapos hnd ko pinapalitan. Pinaparinig ko na din skanya na humihingi na sila ulit ng byad ng lupa pero no comment pa din sya. Idadamay ko ba sya sa problema ko or sasarilihin ko nlng? Bumababa ba ang tingin neo sa lalaki pg wla sya trabaho?

hindi nakakababa ng tingin sa asawa kung mwalan sya trabaho lalo kung di mo nmn talaga ginusto. pera o trabaho mapapalitan naman yan. mas mahalaga na sa kabila ng problema o pagsubok nariyan kayo magkasama. asawa ko simula nagkapandemic 2020 nawalan siya ng trabaho hanggang ngayon wala prin mahanap n trabaho. napakahirap lalo pa namatay ang papa niya kami nag alaga sobra dami gastusin at naiwan pa yung bayarin sa kotse sa kanya. nag aapply nmn siya kaso priority nmin ung trabaho na kung saan sasapat sa pangangailangan namin. naniniwala kami na ibibigay din sa amin ni Lord yung work n para sa amin talaga.. nabuntis ako sa pangalawa at kakapanganak ko lang ngayon lahat ng pinanggastos galing sa death claim ng sss ng papa ko na natanggap ko. never ko sya sinumbatan. lahat ng pera at tulong na natatanggap nmin simula noon hanggang ngaun ang tingin nmin ay blessing from the Lord. basta magkasama lang kmi at magkatuwang sa pagpapalaki ng mga anak nmin. ang husband ko ayaw nya umuutang. kasi lalo lang nakakabaon dhil s interest saka ayaw nya magkautang na loob s ibang tao.. pwde nmn ako magtrabaho lalo dati akong public school teacher pero ayaw nya ako pagtrabahuhin dhil mas need ako ng mga anak nmin. kung ano ang meron sa amin tipirin palaguin. bilin ng papa nya wag na wag pag aawayan ang pera. pasalamat ako sa asawa ko magaling siya maghandle ng pera.. dati kasi nagtayo sya ng maliit na tindhan. di sya nahiya mamalengke ng paninda at madiskarte. minamaliit sya ng iba pera tiis nlng. sa ngaun may maliit kami n hardware store nakakaraos sa pang araw araw. habang hanap prin ng work niya. be honezt nlng po s wife mo po. d kawalan sa lalaki kung ssbhin mo ang problema. mas titibay kayo. pag usapan niyo po. kaya niyo po yan. pagsubok lang po iyan. di kayo pababayaan ng Diyos.
Magbasa pahindi naman po sa pag aano, pero, bakit po kayo nag loan at mga utang? siguro naman sa bahay o pamilya nyo rin naman yon ginagastos kaya bakit magagalit asawa nyo?. about sa lupa po, dapat di nyo po sinabay sabay ang mga ganyan, kung meron kayong loan dat tinapos nyo na muna yon, at ganun din sa bahay,. mahirap po pag sabay sabay ang gastos, tas walang sapat na pag kukunan ng pera, or di sapat ang sahod. tulad po nyan me lupa pa kayo na babayadan,. very wrong po na sabay sabay tas di naman stable ang work,.tas wala xtra income mahihirapan po kayo, malulubog po kayo nyan, tas me loan pa kayo. next time po step by step lang wag sabay sabay,. si wife nyo naman po dat maintindihan nya rin kayo, dat open kayo sa mga ganyang bagay lalo sa pag ba budget, at wag kayo mag susumbatan sa mga bagay na nilaan nyo na sa family nyo naman din na punta or pinakinabangan nyo din,. pangit po iyon sa relasyon hindi po healthy sa relationship. try harder nalang po na maka hanap agad ng work,. for me kung nawalan ng trabaho asawa ko, ako naman ang mag wowork, house wife ako ngayun dahil buntis ako but, palakihin ko lang ng onte si baby then mag babalik trabaho ako, para maka tulong sa asawa ko, kahit sa pag papagawa manlang ng bahay matulungan ko sya,. kahit engr. sya mas madali kung mag tutulungan kami kahit pam pagawa lang ng bahay at maka save pa ng konti..
Magbasa paFor me, okay lang walang work husband ko. Tapos prinsesa naman ako sa bahay at hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo. Tipong sya na talaga lahat kumikilos at walang bisyo. Sa totoo lang mas mahirap ang magasikaso sa bahay. Wag natin alisan ng value yung house chores. And hindi ibig sabihin na walang pinapasok na pera, ee nakakabawas na sa pagkalalaki yun. Masyado lang tayong nasanay sa ganong set up. Sakin basta nakikita ko naman na ginagawa nya lahat ng makakaya to do something para sa family, kahit pa walang monetary value, okay lang sakin. Regarding naman sa money matters, always talk to your partner. Noon, I don't really share to my partner money issues. Nung dumating yung financial struggle at hindi ko na kinakaya, sinabi ko lahat sakanya. At naintindihan nya yun. And it made everything easy. Kasama ko syang mag isip, kasama ko syang magtipid...dun ko naramdaman yung for richer or for poorer na vow namin. Magkakampi kayo dapat palagi sa lahat ng bagay. Sana maintindihan ka ni wife mo. Subukan mo lang, wala naman mawawala.
Magbasa paFor me, hindi po bumababa yung tingin ko sa asawa ko dahil lang sa reason na wala siyang trabaho (nakadepindi po yun sa asawa mo ano tingin niya sayo). As a couple yung problema niyo as mag-asawa dapat pinag uusapan niyo dalawa at nagtutulongan kayo sa solusyon. 50:50 po dapat para walang masabi ang isa't-isa (dependi pa rin sa napagkasunduan niyo) pero as of now sa sitwasyon mo na nahinto ka sa work dapat pag-usapan paano masosolusyonan (pwedi ka umutang sa kakilala mo para may pangbayad ka sa utang ganun nlang diskarte mo just to buy time hanggang makahanap ka ng work kasi mahirap na malubog sa utang). Kami ng hubby ko may pera kami as couple yung panggasto sa bahay etc, and then may kanya2 pa rin kaming savings (once may hiniram ka dapat bayaran pa rin kasi savings nya yun baka may pinaglalaanan siya nun). Money is just money, napaghahanapan nman ng paraan. Kaya importante talaga na may savings kahit kaunti para kung mahinto sa work may makukuha pa rin and then always live life below your means po.
Magbasa pabilang mag asawa kayo,karapatan o responsibilidad po ng bawat isa senyo na malaman kung anong problema ng isa,kahit pa po magaway kayo dahil don,tungkol nmn sa nahihiya kang humiram ng pera mas mabuti nlng po tlgang sabihin nyo kung ano ung pinaka pakay nyo,kunware manghihiram kayo ng pera dapat pag hiram maisosoli responsibilidad padin yon as magpartner na ganun kahit pa sabihing mag asawa kayo,kung hindi nyo naman po kayang bayaran yon mas magandang manghingi nlng o mas better na onti untin mo pagbalik para hindi nasusumbat sayo,wala nmn po kaseng perfect rs ung tipong imbis na uunawain ka e susumbatan kapa,tungkol nmn sa nababa ang tingin namen sa lalaki pag walang trabaho hmm depende po sa inasawa nyo kung naka depende po ba sya sa inyo o hindi,kase kung nakadepende po ang babae sa inyo ay malamang sa malamang bababa tingin sayo kase wala ka ng maibibigay,meron din nmng babae na hindi dumedepende ayun ang maganda iintindihin ka nya,pero di po ibig sabihin non di na kayo gagawa ng paraan
Magbasa paDepende po yan sa set up niyo. Kami ng husband ko kasi very open kami sa expenses namin at walang sumbatan. Kung kailangan ng isa ng tulong at kaya ng isa agad agad yun kesa sa ibang tao pa kami humiram. Kailangan direkta yung issue niyo sa isa't isa hindi yung nagpaparinig pa po kasi mag asawa kayo eh. Ngayon kung ayaw niya ipagalaw ang savings niya, try niyo na muna sa iba manghiram pero make sure maibabalik niyo kaagad sa pinagusapang panahon dahil mahirap masira sa pera. May mga need kayong bayaran kaya I doubt na titigil kayo humanap ng malilipatan. Try niyo lang kahit saan muna, hanap na lang ng better kung medyo nakaadjust na kayo. Kung may maibebenta din kayo ibenta niyo muna like mga gamit na may presyo. Mag-asawa kayo kaya damay damay talaga yan. Depende na talaga sa usapan niyo. Kami ng asawa ko naguusap kasi palagi. Kung mawawalan man siya ng work ako naman muna ang hahanap at siya muna sa anak namin dahil 1 yr old pa lang. Walang problema naman sa akin.
Magbasa pa2years nang walang trabaho ang hubby ko. I am a mom of two. (2yo & 4yo) may loans din kami sa bank dahil kumuha kami ng bahay right before sya umalis sa work (pandemic). Hindi kase maganda ang set up sa work nila nun kaya he opted to resign. Wala din kaming savings! 😅 Parang isang kahig isang tuka, ganern. But my husband is a very hands on sa bahay, and okay nalang din dahil may isa sa amin ang nag babantay sa mga bata aside from my inlaws. Depende sa usapan nyong mag asawa, anyways, yung lupa naman ay sa inyo din mapupunta so I don't think it will be an issue. Mahirap, but I think it's a matter of communication nalang din. Prayers. 🤗✨
Magbasa paFeeling ko hindi ka pa ready para magkaron ng lupang binabayaran. Siguro need mo na ire-think yung plans mo at yung paggastos mo, at magsimula uli sa tulong ng misis mo tutal mag asawa naman kayo. Sabay nyo dapat sinosolusyunan ang problema nyo. About sa walang work na husband? Uhm. Di mo siguro magugustuhan pero sorry di ako pabor sa lalakeng walang pinagkakakitaan unless incapacitated talaga sya. Iba rin naman yung pag sinabing biglang nawalan ng work. Marahil ay dagok ng buhay pero ganun pa man, mainam na gawan mo talaga to ng paraan. Tatagan mo loob mo. Kaya mo yan. Good luck.
Magbasa paneed nyo po mg tulungan since mag asawa na kayo, kung mutual decision naman ang resignation mo e maiintindihan ng misis mo na may mga dapt bayaran pa pero bkit po ba nawalan kayo ng work? best kausapin si misis. No choice ka din naman po na sknya humiram ng pera kesa sa iba ka pa humiram. Ganyan din ako sa husband ko minsan nahihiya when in comes to expenses minsan kse kinukulang din ako khit may work ako pero since no choice sa husband ko lang din ako lalapit, di naman nya ko sinusumbatan nung nwalan din kse sya ng work non ako naman ang sumalo sa knya.
Magbasa paKausapin mo misis mo mahinahon at iperfect timing mo wag ka magsinungaling.. Mister ko din ngayon sobrang baba salary niya compare sa previous work nya.. partner kayo malalagpasan nyo yan basta ngayong nangako ka siguraduhin mo na babawi ka at habang wala kang work at may baby kayo or buntis siya tulungan mo siya sa gawaing bahay ma appreciate ka nun at hanap ka psrt time work kahit asawa ko nun walang trabaho 3mos.. nag construction sya.. lahat pinasok nya.. nasa sayo na yan if paano set up nyo pag dating sa expenses
Magbasa pa
Mom of 2, Laboratory Chemist