Ano ang feeling pg wala trabaho ang husband?

Hello. Just wanted to ask ung open-minded opinion neo kung wlang trabaho ang husband. Ako pla ang husband, then mwawalan ako ng work this month at wla pa ako nahanap na kapalit. Tapos hnd ko pa alam kung may masasahod ako this month. May mga loans/utang ako. May binabayaran pa ako sa lupa. Bale lahat un nsa 15k. At hnd ko alam kung saan ako kukuha pambabayad ko this month. Ayaw ko naman na hnd mkabayad para hnd ako masira sa nkautangan ko. Si misis ko may savings pa na around 25k sa bank. Hnd ko masabi sabi skanya na gusto ko humiram sa savinga nya pambayad ng utang ko kasi last time na humiram ako ng savings nya na ginastos sa pagpagawa ng bahay ay hnd ko na napalitan. Kaya nahihiya na din ako pgdating sa savings nya kasi bka mamaya isusumbat na naman nya saken na kinukuha ko savings nya tapos hnd ko pinapalitan. Pinaparinig ko na din skanya na humihingi na sila ulit ng byad ng lupa pero no comment pa din sya. Idadamay ko ba sya sa problema ko or sasarilihin ko nlng? Bumababa ba ang tingin neo sa lalaki pg wla sya trabaho?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me, okay lang walang work husband ko. Tapos prinsesa naman ako sa bahay at hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo. Tipong sya na talaga lahat kumikilos at walang bisyo. Sa totoo lang mas mahirap ang magasikaso sa bahay. Wag natin alisan ng value yung house chores. And hindi ibig sabihin na walang pinapasok na pera, ee nakakabawas na sa pagkalalaki yun. Masyado lang tayong nasanay sa ganong set up. Sakin basta nakikita ko naman na ginagawa nya lahat ng makakaya to do something para sa family, kahit pa walang monetary value, okay lang sakin. Regarding naman sa money matters, always talk to your partner. Noon, I don't really share to my partner money issues. Nung dumating yung financial struggle at hindi ko na kinakaya, sinabi ko lahat sakanya. At naintindihan nya yun. And it made everything easy. Kasama ko syang mag isip, kasama ko syang magtipid...dun ko naramdaman yung for richer or for poorer na vow namin. Magkakampi kayo dapat palagi sa lahat ng bagay. Sana maintindihan ka ni wife mo. Subukan mo lang, wala naman mawawala.

Magbasa pa