Ano ang feeling pg wala trabaho ang husband?

Hello. Just wanted to ask ung open-minded opinion neo kung wlang trabaho ang husband. Ako pla ang husband, then mwawalan ako ng work this month at wla pa ako nahanap na kapalit. Tapos hnd ko pa alam kung may masasahod ako this month. May mga loans/utang ako. May binabayaran pa ako sa lupa. Bale lahat un nsa 15k. At hnd ko alam kung saan ako kukuha pambabayad ko this month. Ayaw ko naman na hnd mkabayad para hnd ako masira sa nkautangan ko. Si misis ko may savings pa na around 25k sa bank. Hnd ko masabi sabi skanya na gusto ko humiram sa savinga nya pambayad ng utang ko kasi last time na humiram ako ng savings nya na ginastos sa pagpagawa ng bahay ay hnd ko na napalitan. Kaya nahihiya na din ako pgdating sa savings nya kasi bka mamaya isusumbat na naman nya saken na kinukuha ko savings nya tapos hnd ko pinapalitan. Pinaparinig ko na din skanya na humihingi na sila ulit ng byad ng lupa pero no comment pa din sya. Idadamay ko ba sya sa problema ko or sasarilihin ko nlng? Bumababa ba ang tingin neo sa lalaki pg wla sya trabaho?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po yan sa set up niyo. Kami ng husband ko kasi very open kami sa expenses namin at walang sumbatan. Kung kailangan ng isa ng tulong at kaya ng isa agad agad yun kesa sa ibang tao pa kami humiram. Kailangan direkta yung issue niyo sa isa't isa hindi yung nagpaparinig pa po kasi mag asawa kayo eh. Ngayon kung ayaw niya ipagalaw ang savings niya, try niyo na muna sa iba manghiram pero make sure maibabalik niyo kaagad sa pinagusapang panahon dahil mahirap masira sa pera. May mga need kayong bayaran kaya I doubt na titigil kayo humanap ng malilipatan. Try niyo lang kahit saan muna, hanap na lang ng better kung medyo nakaadjust na kayo. Kung may maibebenta din kayo ibenta niyo muna like mga gamit na may presyo. Mag-asawa kayo kaya damay damay talaga yan. Depende na talaga sa usapan niyo. Kami ng asawa ko naguusap kasi palagi. Kung mawawalan man siya ng work ako naman muna ang hahanap at siya muna sa anak namin dahil 1 yr old pa lang. Walang problema naman sa akin.

Magbasa pa
3y ago

tama po. ganyan din kami ng hubby ko. pinag uusapan namin ang problema para dalawa kaming magtutulungan. parehong mag aadjust para hindi isa lang ang namomroblema. walang sumbatan dahil family. wala naman ibang magtutulungan kundi kaming 2. pwedeng may solution din sia na maisip na makakatulong sa inyong family. sa set up namin ngaun, 2 kami ang may work.