Depressed

Hi just want to share my thoughts. Im 18 yrs old. Graduating na po sana ko ng shs kaso nalaman ko na buntis ako, sinabi ko sa adviser ko yung situation natapos ko yung 1st sem pero mag isang subject ako na hindi ako nakapagperformance task p.e subject dahil sayaw yung peta namin at sobrang bilis ko hingalin nagtanong ako sa teacher ko sa p.e kung ano pwdeng alternative na gawin ko para magkagrade sa kanya nadedepressed ako sa sinabi nya na "kasalanan ko bang buntis ka?" "Wala na nagdistribute na kami ng grades" hinahabol ko lng naman po ung grade sakanya hindi naman sya major subject. Gusto kasi ng principal na idrop na ko kaso hndi pa pinipirmahan ng mother ko ksi may isang subject pko na walang grade para next year if ever na pumasok ako ulit 2nd sem nlng uulitin ko. Hindi ko na alam pano pakikiusapan ung teacher ko naiiyak ako gabi gabi kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na naggagraduating picture then may retreat. :( hindi ako nagreregret na nagkababy at early age nakakainggit lang wrong timing kasi pero blessing to. Kahit anong focus ko sa ibang bagay para hindi mastress hindi ko mapigilan sarili ko na isipin ung mga sinabi sakin. Psensya na po wala lang po ako mapaglabasan ng sama ng loob.

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay Lang Yan ako din 4th year college. Pero advice din ng ob na stop Muna. Andyan Lang ang school. Focus ka Muna sa baby. Alam ko sa public may module pag sa ganyan na case . Be strong 💪 masusubukan ung tibay ng loob mo. Palakasin mo support system sa paligid mo.

May mga batchmate ako na di nakagraduate dahil nabuntis. Pero looking at their lives now, SOBRANG ASENSO nila compare dun sa mga nag-judge sa kanila. Baby is a blessing! It will bring more joy and success in your life. ❤️

5y ago

Totoo. Hindi madaling maging nanay in a early age but kudos to those people who survived on that stage. Hindi madali dahil madaming manghuhusga pero ako as a teenage mom, wala akong pinagsisisihan na dumating ang baby ko. Oo, napaaga pero never ko naisip na ipalaglag siya just because titigil ako sa pag aaral. Hindi naman dahil nabuntis ng maaga, hindi ka na ulit babangon ulit. Babawi kami. I'm sure of that.

Grabe naman yang P.E teacher mo. Oo hindi nya kasalanan na buntis ka , pero magiging kasalanan nya kapag alam nya ng buntis ka pahihirapan kapa. Dapat given na yun e , umamin ka naman e wag na sanang pahirapan.

try mo padin mkipagusap, ako nga sis graduating nadin sana sa college pero hnd ko nadn naituloy kse buntis ako. Ang kagandahan lng ng akin d nko nagenroll kase sakto bakasyon ng mabuntis ako, wag ka mstress :)

Wrong timing nga pero since nandyan n yan at Ayaw ka iPasa sa isang subject, hayaan mo na. bawi na Lang after manganak. Important is tuloy lang ang pag aaral Kahit my baby ka na.. for the meantime just relax your mind.

Ipatulfo na yang p.e teacher na yan. Di makatarungan. Humihingi ka naman ng ibang way para kahit papano e di ka bumagsak. Maling mali yung teacher. Kung tutuusin dapat mas maiintindihan nya yung kalagayan mo

Dapat sinagot mo teacher mo ng 'Did I blame you?!' charot lang. Better ask assistance sa DepEd or Ched kung makatarungan ba yang ginawa nila sayo. Kung di ka nila i-aasist, ipa-Tulfo mo na para mabilis.

Pwd nyo pong ireklamo yan. Mi mga kilala Rin naman akong SHS na na buntis pero patuloy sa pag aaral aa? Kaya lang pagka panganak nya nag desisyon syang tumigil muna para mag pahinga.

Teacher po ako, pero kung walang consideration ang PE teacher mo. Much better to report it baka ano pa mangyare sainyo ng baby mo. Huwag ka papa stress. Kaya mo yan. God bless😊

Hi be grabe unfair ng teacher mo! same tayo early age din nung nabuntis pero kaya mo yan wag ka susuko ha magagawan din ng paraan yan be strong😘