Pregnancy

Update lang po ako sa naging tvs ko ulit, 7 weeks na ako sa lmp ko, pero ung sac na nakita 5 weeks and 4 days pa lang.. Irregular kc menstruation ko, lmp ko is august 28, sabi ng doctor ko maaring failure daw pagbubuntis ko, kc hindi daw nagdevelop, unang punta ko kc sa knya walang nakitang sac, embryo tpos after 2 weeks, bumalik ako may nakita ng sac pero pang 5 weeks and 4 days pa lang.. Hindi na nga nia ako niresetahan ng pampakapit dahil failure nga daw pregnancy ko.. Hindi naman ako dinudugo o spotting man lang.. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na magdedevelop pa ang baby ko.. Sana mali lang talaga ung weeks.. May possibility bang mali lang ung weeks.. Kc dumating ung asawa ko is sept 15, at don kami nagcmula mag do.. Tpos oct 3 nagpt ako, positive po..

Pregnancy
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

balik ka po ulit after 3 weeks. irreg din ako at di ako nagrely sa lmp. sa first ultrasound na ang basis. sakin dati 4 weeks sac palang. in a nice manner sabi ni OB sakin, tapatin kita, pwedeng di ito magtuloy.. pero sabi niya pwede din daw magtuloy. sabi niya ingatan ko muna sarili ko, taz balik ako after 1 week to check lang. pag balik ko, 5th week na yun, sinilip niya ulit sa ultrasound, may yolk sac na.. di niya pinabayaran yung ultrasound. sabi niya balik ulit ako after 2 weeks, sana daw may embryo na. after 3 weeks na ako bumalik. ayun, 8th week na yun, may embryo at heart beat na. saka niya ako niresetahan ng vitamins. congrats daw. lalake pa yung OB ko pero sobrang bait. sana magprogress yang pregnancy mo mommy. wag mawalan ng pag-asa. God bless. 😊

Magbasa pa
3y ago

maraming salamat po❤❤