OB Problem

Ung OB ko ok naman nung una no problem with her and sya napili kong OB since sonographer na dn sya so may ultrasound ako lagi every check up. Kaso lately nagkakaproblem nako sakanya. Start ng 3rd Tri ko nakukulangan nako. Ako lagi nag tatanong kelan sched ng next check up ko at late lagi mgreply, like 3-4 days bago mgreply. Sa work kc namin ni hubby need mgleave ahead of time if my sched ng check up. If my nararamdaman akong kakaiba agad agad akong ng iinform skanya pero super tagal bago ng response tipong nagawan kona ng action bago pa mgreply. Wala din masyadong lab tests na pinapagawa sakin. Ako pa mismo ngsabi na mag OGTT ako since may family history kami ng diabetes. Pati tetanus vaccine ako lang dn nagsabi sakanya na magpapa vaccine ako ng ganun. Now on my 36th week po nagwoworry lang ako since anytime soon pwedi nako manganak. Any thoughts po? 1st time mom po ako.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Change OB kung nakukulangan ka sa OB mo. Yung OB ko, nagrereply siya agad, kaya naaagapan pag nagsa-spotting ako. She's very accommodating din sa urgent concerns ko kahit weekends or kahit pasado hatinggabi na, kaya naagapan din nung nag postpartum eclampsia ako. She's also a sonologist kaya informative yung ultrasound ko, na-detect niya agad may vasa previa ako. After ultrasound, she takes time to explain her findings to me and nasasagot mga tanong ko nang hindi nagmamadali. Mabilis din siya umaksyon nung huling spotting ko, delikado for me and sa baby kung mag-labor ako, nagpareserve na pala siya agad ng incubator kaya sakto nung nag leak na pala waterbag ko at 8 months. As much as ayaw natin "makaistorbo" sa ating OB, they understand na buhay ng baby ang nakataya sa lahat ng concerns nating mga mommies. Nung una nahihiya din ako, pero I realized na trabaho yan, at kaligtasan ni baby ang mas importante sa akin, at nakahanap ako ng OB na yun din ang pinahahalagahan.

Magbasa pa