OB Problem

Ung OB ko ok naman nung una no problem with her and sya napili kong OB since sonographer na dn sya so may ultrasound ako lagi every check up. Kaso lately nagkakaproblem nako sakanya. Start ng 3rd Tri ko nakukulangan nako. Ako lagi nag tatanong kelan sched ng next check up ko at late lagi mgreply, like 3-4 days bago mgreply. Sa work kc namin ni hubby need mgleave ahead of time if my sched ng check up. If my nararamdaman akong kakaiba agad agad akong ng iinform skanya pero super tagal bago ng response tipong nagawan kona ng action bago pa mgreply. Wala din masyadong lab tests na pinapagawa sakin. Ako pa mismo ngsabi na mag OGTT ako since may family history kami ng diabetes. Pati tetanus vaccine ako lang dn nagsabi sakanya na magpapa vaccine ako ng ganun. Now on my 36th week po nagwoworry lang ako since anytime soon pwedi nako manganak. Any thoughts po? 1st time mom po ako.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mii if di kana satisfied sa performance ng OB mo you can decide anytime to switch kung sino makaka reach ng expectations mo or pwd ka po mag tanong tanong ng reco. sa mga kakilala. Ako nmn kc base sa situation ko satisfied ako sa ob ko kht hnd siya sono. well explained tlga! pero nung malapit na ako manganak no choice na ako kundi mag leave na sa work at umuwi sa Parents ko tpos pnibagong OB ulit nag ask ako sa midwife sa health cnter kung sino ma reco nilang OB sa lugar nΓ min satisfied dn nmn ako sa tinuro nya. At my 32weeks mii sinabihan na ako ng OB ko na kada 2weeks na ang balik ko sknya for check up. Dpat mii bago pa natin i ask alam na dpt agad ni OB kung ano mga kailangan natin bilang buntis tulad ng OGTT, vaccine for anti tetanus sila dpt kusa nagsasabi niyan lalo na sa ogtt ke my history ng diabetes o wala recomended tlga dpt ipa test yan. Pwd ka nmn lumipat ng OB mii basta dala mo lang lht ng history ng results mo kada check up or my lab test ka kc jan dn mag bbase bago mo ob if ever lilipat ka po.

Magbasa pa

Change OB kung nakukulangan ka sa OB mo. Yung OB ko, nagrereply siya agad, kaya naaagapan pag nagsa-spotting ako. She's very accommodating din sa urgent concerns ko kahit weekends or kahit pasado hatinggabi na, kaya naagapan din nung nag postpartum eclampsia ako. She's also a sonologist kaya informative yung ultrasound ko, na-detect niya agad may vasa previa ako. After ultrasound, she takes time to explain her findings to me and nasasagot mga tanong ko nang hindi nagmamadali. Mabilis din siya umaksyon nung huling spotting ko, delikado for me and sa baby kung mag-labor ako, nagpareserve na pala siya agad ng incubator kaya sakto nung nag leak na pala waterbag ko at 8 months. As much as ayaw natin "makaistorbo" sa ating OB, they understand na buhay ng baby ang nakataya sa lahat ng concerns nating mga mommies. Nung una nahihiya din ako, pero I realized na trabaho yan, at kaligtasan ni baby ang mas importante sa akin, at nakahanap ako ng OB na yun din ang pinahahalagahan.

Magbasa pa

Sa ob ko naman po,ung kanyang secretary ang contact namin for schedule. If may questions naman ako sinisugurado ko ng nakalista na para every check up ko ay maitatanong ko na. Tinatanong ko na din in advance if kailan ako babalik. Pagdating naman sa pagkontak sa kanya. Anytime daw pwede ko siya ikontak sa messenger. Pero kapag emergency ay call lang daw ako sa kanya kasi may pagkakataon din na hindi naman po sila nakakahawak ng cp. Ganyan din ako dati dami kung questions ang instruction na lang niya if may alam kong hindi oke ay punta lang ako sa kanya. May schedule naman kasi si ob if kailan siya asa hospital. Tsaka pakiramdam ko hindi din sila basta basta makakapagbigay ng payo through text/chat,mas gusto nilang mag follow up check up,mas gusto kasi nilang nakikita mga lab result at ung mismong ultrasound ni baby bago sila magsabi ng next step. Maganda sana if si ob ay may ginagamit na monitor para makita lagi si baby every check up.

Magbasa pa

Same Mi. 7mos ako nag palit ako bali pang ng 3rd OB ko na. Basta kumpleto ka naman sa lahat ng records di ka mahihirapan lumipat. 1st OB ko lagi nag mamadali so di nya naeexplain ni husband samin ng maayos. Waiting time namin lagi is 3-4hrs imagine (private hospital sya) Lagi sya late. Di din nag rereply sa viber. Hirap syang i-reach out. Kase sobrang dami nya na patient. (Sikat na kase sya na OB) 2nd OB Halos wala akong lab results as in. So paano namin malalaman kung ano na nangyayari kay baby? 3rd OB dun ko nalaman na sobrang late na ko sa mga lab results including OGTT, And any laboratories. OB Sono din sya kaya everytime nasisilip nya si OB, at nag rereply sya agad sakin sa viber.

Magbasa pa

Hindi ko nacocontact ang OB ko. Secretary lang nya. At hindi ako masyado matanong kapag off/hindi ko check up. Kasi i respect her outside life. Kapag check up namin dun lang ako matanong. Problema ko lang sa OB ko. Gusto nya booster ako para sa covid19. Pero ayoko. Pero sya gusto ko OB. Ayoko mag palit. Loyal kasi ako hehehe. Ako OB/SONO. Ko na sya. Naghihintay talaga ako matagal basta sya lang mag ultrasound sakin. Tintapos kasi nya muna yung mga consulatation bago mag ultrasound. supee hardworking and dedicated sa job! Love her πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ™πŸ₯°πŸ₯°

Magbasa pa
1y ago

I think kaya gusto niya mag booster ka kasi required sa mga hospital na atleast 1 booster ata meron. Yun din kasi sinabe ng ob ko buti nalang may booster nako.

Change OB ka nalang po mmy. Ako po ang nakakausap ko ay yung nga midwife nya pero accomodating po sila lahat. Nung nagspotting ako pinapunta agad ako sa clinic at chineck kmi ng midwife. Then binabalik for check up kinabukasan kay OB since okay naman po si baby pinagbedrest nila ako nun. Lahat din ng tanong ko sinasagot din ng OB ko tuwing check up, sya rin nag sschedule ng Vaccines ko and Ultrasound :) Pinapaliwanag nya kung bakit need yung vaccines tsaka mga vitamins 😊

Magbasa pa

Ganian din po Ob ko before. Pero nagbbigay naman siya ng date kung kelan ako babalik. Ako din minsan nagtatanong kung ano lagay ni baby sa loob ng tiyan ko, lagi din po kasi ako may uts dahil sonographer din siya. Walang masyadong lab test din. Wala din CAS na nirequest. Okay naman po sakin yung ganun OB meaning normal and healthy yung pagbubuntis ko, walang dapat daw ipag alala. πŸ™‚

Magbasa pa

same mii. ako nalang lage nagtatanong kase ob/sono rin siya tapos minsan nag ooverthink nako tapos parang nagmamadali siya kaya pag 7 months na yung tummy lumipat nalang ako ng ibang ob. ob siya hindi siya sono pero masasagot nya lahat katanungan ko. nasa sayo parin yan mi kung gusto mong lumipat sa ibang ob na nakakahelp sainyu ni baby.

Magbasa pa

FTM din ako momsh, yan din po yung dti kng ob ako pa nag suggest at nag tatanong about sa ultrasound kng kailan, at yung vaccination, kaya nag change ob na po ako which is satisfied ako at tinuturuan ako kng ano mga dpat gwin.. sya na yung ob kpag nanganak ako momsh..

1y ago

Ilang weeks kana nung nagpalit ka ng OB mi? Iniisip ko kc if magpapalit pa ba o hindi na kc lapit na din naman akong manganak

magpalit ka na ng OB much better check mo din package deal niya. Baka hindi ka rin nakapag Anomaly scan.

1y ago

Isa pa po yan wala akong CAS kc hindi nya sinuggest though nagtanong naman ako sakanya sabi di na need since ok naman daw lahat ng ultrasound ko. Iniisip ko nga if mgpapalit pa ba ako since nasa 36 weeks nako lapit na manganak