Not in good terms anymore sa father ng pinagbubuntis ko

Unang buwan palang ng pagbubuntis ko nagkaroon na kami agad ng alitan, pinakamasakit na sinabi sakin "hindi ko nga sigurado kung akin yan" nung sinabi ko na itakwil nalang nya ang anak ko at kalimutan na nya kami sabi nya "ayos lang may anak naman na ako" ( may dalawang anak na sya sa ibang babae) sinabi nya rin na "pinakikisamahan kita dahil sa bata" 9 months kami magkalive in 1 year kami nung nabuntis ako. Ngayon we are no longer in good terms since nagloloko narin naman sya and hndi ko talaga kaya tiisin mga ginagawa nyang pagsisinungaling lalo na buntis ako gusto ko nalang umiwas sa stress dahil everytime may malalaman ako sumasakit ang tyan ko at gusto kong uminom at manigarilyo may time na d ako nakatulog. Kaya nagdesisyon nalang ako na itigil nalang at hayaan sya sa mga gusto nyang gawin. Naka block ako sa phone nya pati sa social media accounts. Sigurado naman ako na sya at sya parin ang mag rreach out sakin para sa bata. Ano kayang magandang leksyon para sa lalakeng to? Sikat sya and he came from a well known family. Gusto ko man sya ipahiya sa social media pero hindi ko talaga ugali yun in fact sya pa ang nag post sakin and playing the victim. I have all the screenshots pruweba na niloloko nalang nya ako but I choose not to post it. Unang una ayokong pagchismisan ang buhay ko. I'm on my 21st week. Ilang buwan nalang naman. Gusto kong maramdaman nya lahat ng sakit na naramdaman ko. Sa galit ko gusto ko nalang wag ipakita ang anak ko sa kanya dahil hindi pa man din buhay tinatakwil na nya. Ayoko na syang makita kahit manganak ako o kapag bininyagan ang bata gusto ko wala sya. Mabibinyagan naman ang bata kahit walang ama tama ba? Btw I'm 26 years old and he's turning 38 this year. Iniisip ko nalang may future pa ko at bata pa naman. Any thoughts? Salamat?

11 Replies

Medyo may pagka same tayo ng sitwasyon ang kaibahan lang legal kami na magasawa, kelan lang nalaman ko lng na may Babae yung asawa ko, at lahat nang dinemands kong sustento sa anak namin hindi nasunod. Tinaong ko sia about sa Babae nia wala daw sia dapat ipaliwanag. Syempre galit na galit ako, gusto ko sia ikaso, gustong kong maramdaman din nia lahat nang sakit na nararamdaman ko. Pero as days goes by, napag isip isip kong manahimik nalang ako at mag move on para narin sa anak namin na 9mos, lahat ng heartaches ko tinutuon ko nalang sa anak ko para mawala. Sinisimulan ko narin tanggapin na wala na talaga kami, and you know what it helps a lot momsh, nakakabawas ng bigat sa dibdib, mahirap masakit, pero acceptance, prayers and moving on yan ang dapat mo isipin araw araw. Good luck momsh, there's always a rainbow after the rain para saating mga Babaeng niloko at sinaktan ng mga asawa. Tiwala lang.

Looking forward po jan❤️ Thank you! Dadating din tayo jan❤️

VIP Member

Ako first instinct ko sa tatay ng unang anak ko.. Masama ugali at bungangero.. Alam ko hindi kami tlga magkakasundo.. Pero pinilit ko para lang sa anak namin.. To the point na nagtagal pa kmi ng 5 years.. Kesyo magpapakasal pa kmi.. Ang ending bago kami ikasal 1 month before the wedding nalaman ko na kasal pla sya before.. Si god na gumawa ng pa aan para tlgang mahiwalay ako sa lalakeng yun.. Its been 2 years since nangyare yun.. And ngayon masaya nako.. Im happily married with my husband.. Dadating pla tlga sayo yung tamang lalake.. Hindi porke kung sino nakabuntis sayo you have to stick on him.. Kahihiyan o paguusapan kayo.. Hindi ka naman papalamunin nun.. Yaan mo sila.. Ako nga alam ng lahat ng tao dito kakasal na.. Bigla hindi natuloy! Hay pero okay na yun.. Iniisip ko lang ngayon natuto ako sa lahat.. anyway im 16 weeks pregnant din.. Ingat and godbless sa pregnancy natin😊

Yes mommy.. Alam mo sad to say pero yung anak ko mas mahal nya pa yung 2nd daddy nya.. Kasi mismong anak ko nakakakita ng hindi magandang ugali ng tatay nya.. One mommy yung magagandang ginagawa natin sa anak natin magbubunga kasi ibibigay sayo ni GOD yung tama para sayo.. Hindi man ngayon atleast binigyan k nya ng bata na alam mong hinding hindi ka iiwan..

VIP Member

hmm kung ako tatanungin mo momsh, at kung ako nasa kalagayan mo, dahil sa sinabi niya na hindi siya sigurado na siya ang ama. masakit un ah kung sigurado ka siya ang ama. hindi ko na ipipilit pa sa kanya. bahala na siya. tuloy lang ang buhay para sa anak ko. patutunayan ko sa kanya na hindi siya kawalan at kaya ko palakihin ang anak ko mag isa. kesa ma-stress ka lang lalo sa kanya kawawa pati si baby. just saying

Salamat po mommy♥️

VIP Member

sakin mamsh wagg mo ipakita si baby kahit na magreach out sya..that's your way of revenge kapag nalang cguro naghanap si baby..pero wagg na wagg mu ipapakita sa knya total sa knya na din namam nagmula kupal nya..khit anung kontak nya sau wag mu sasagutin kc pag binalikan mu yan mamsh baka mamaya mas malala pa gawin sau kc alam nya na khit anung gawin mu tatangapin mu parin sya

Kaya nga po yun nalang iniisip ko sabi ko nga sa kanya kahit manganak ako wag syang pupunta at pag nagpabinyag ako lahat imbitado maliban sa kanya. Salamat po☺️

Tama lng un ganyn sis na nakipag hiwalay kna sknya. Ksi pag tinuloy mpa din yan kaw lng masasaktan. Immature pa msyado un partner mo. Mggng sakit lng yn ng ulo. Bsta tahimik knlng ilayo mo nlng un bata sknya. Hyaan mo sya mghabol sa baby mo. At pag naghabol sya ibalik mo sknya un cnbe nya lht sau.

If i were in ur shoe..papalakihin q ang bata ng walang katiting na tulong galng sa knya..papakita q na kayang kong buhayin ang anak q kahit wala xa..ktulong m lng xa sa pgbuo ng baby pero wag m na asahan na maging ktulong m rn xa pra buhayin ang bata.

Oo nga po yun ang balak kong gawin. Hindi ko idedepende sa kanya ang buhay ng anak ko. Panindigan nya ung desisyon nya. Salamat po

Tama ang desisyon mo sis. Wag mo na pakita ang bata at wag na wag mo ipapa apelido sakanya. Mukhang kaya mo naman buhayin magisabsi baby at no need humingi ng sustento. Gago sya kawawa ang bata hindi pa mn buhay tinatakwil na nya

wag mo nalang ipakita sa kanya tutal inayawan naman na nya anak nya what the sense pa ang hambog nya pa sabihin sayo na e ano naman dahil may anak na sya . kung wala lang sa knya dinadala mo mas ipakita mong di sya kawalan

Yun nanga po ang ginagawa ko. Gusto ko panindgan wag ipakita baby ko kahit ano mangyare. Salamat po momshie

Kahit anino ng anak mo wag mo ipakita. May makikilala kpang tatanggap at mgging ama sa anak mo. D nya kelangan mkita yang baby mo. Pagktpos nya magsalita ng gnon at lokohin ka.

Kaya nga sobrang sakit sakin. Hindi naman po tayo habang buhay buntis. At may karma din sya. Salamat momsh

VIP Member

Tama PO yung desisyon nyo Basta pray Lang po good will always provide you and to ur baby.. congrats po😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles