Not in good terms anymore sa father ng pinagbubuntis ko
Unang buwan palang ng pagbubuntis ko nagkaroon na kami agad ng alitan, pinakamasakit na sinabi sakin "hindi ko nga sigurado kung akin yan" nung sinabi ko na itakwil nalang nya ang anak ko at kalimutan na nya kami sabi nya "ayos lang may anak naman na ako" ( may dalawang anak na sya sa ibang babae) sinabi nya rin na "pinakikisamahan kita dahil sa bata" 9 months kami magkalive in 1 year kami nung nabuntis ako. Ngayon we are no longer in good terms since nagloloko narin naman sya and hndi ko talaga kaya tiisin mga ginagawa nyang pagsisinungaling lalo na buntis ako gusto ko nalang umiwas sa stress dahil everytime may malalaman ako sumasakit ang tyan ko at gusto kong uminom at manigarilyo may time na d ako nakatulog. Kaya nagdesisyon nalang ako na itigil nalang at hayaan sya sa mga gusto nyang gawin. Naka block ako sa phone nya pati sa social media accounts. Sigurado naman ako na sya at sya parin ang mag rreach out sakin para sa bata. Ano kayang magandang leksyon para sa lalakeng to? Sikat sya and he came from a well known family. Gusto ko man sya ipahiya sa social media pero hindi ko talaga ugali yun in fact sya pa ang nag post sakin and playing the victim. I have all the screenshots pruweba na niloloko nalang nya ako but I choose not to post it. Unang una ayokong pagchismisan ang buhay ko. I'm on my 21st week. Ilang buwan nalang naman. Gusto kong maramdaman nya lahat ng sakit na naramdaman ko. Sa galit ko gusto ko nalang wag ipakita ang anak ko sa kanya dahil hindi pa man din buhay tinatakwil na nya. Ayoko na syang makita kahit manganak ako o kapag bininyagan ang bata gusto ko wala sya. Mabibinyagan naman ang bata kahit walang ama tama ba? Btw I'm 26 years old and he's turning 38 this year. Iniisip ko nalang may future pa ko at bata pa naman. Any thoughts? Salamat?
Excited to become a mum