50 Replies
Tanong ko lang po mommy panu nyo po nasabi na kulang yung timbang nya at his age? Nakapagpacheckup ka din po ba at nailapit eto sa pedia nya po? Kasi madaming bata na payat lang tingnan pero sakto lang din talaga sa edad din nila. Satin kasi lagi nating naiisip na yung chubby na baby eh yun lang ang malusog etc. Tsaka po pag ayaw kumain ng kanin punan mo nalang or pakainin ng ibang pagkain na mayaman sa carbohydrates.... and prutas na din etc. Di naman na need milk actually eh esp kung ayaw nya din. Pagsipagan mo nalang na pakainin sya. Malalaman mo din naman mga gusto nyang kainin.. Nasstress din siguro ang bata mommy kasi nagagalit ka po at napapalo mo pa pag ayaw nya kumain. Nasstress ka dahil payat anak mo po pero sabi mo naman pinapakain mo naman ng prutas lagi okay na yun mommy kesa sa wala. Dagdagan mo nalang ng iba pang pagkain maliban sa junk foods. Kung ayaw nya kumain ng marami eh di pakunti kunti lang pero dalasan mo. Ang importante lang po eh di masakitin. Ngayon po na nagkakasakit na sya ipacheckup mo nalang po at dun mo na rin iask sa pedia mo bakit ganito bakit ganyan... Virtual hugs mommy.. Kaya mo yan!
Try nyo po ibahin din yung variety ng food na kinakain nya. Kung ayaw nya po ng rice, may iba namang sources ng carbohydrates like bread or pasta. Try nyo din po mascolorful na food using veggies, para mas maengganyo sya kumain. Wag nyo po pilitin kung ayaw kumain, at maslalo naman pong wag sasaktan. Kasi maiisip nya na ganun ang mangyayari every meal time. Try to make it enjoyable and stress free. Hayaan nyo po sya mag explore ng food, kamayin man nya or what, it's ok. Check din po kayo ng food na mataas sa fat pero healthy like yogurt, avocado, cheese, butter, etc. We just use Lactum pag umaga, fresh milk when he asks for milk at other times of the day. Tapos Growee. Hindi rin tabain ang baby namin, 2yrs old din. 3 regular meals a day and snacks in between. Keep trying lang po, and ask your pedia for other recommendations .
Hi Momshie! Ang alam ko basta may sakit ay wala talagang ganang kumain, bata man yan o matanda. Our strength is coming from our Creator. Please, pilitin mo huwag mapagbuhatan ng kamay. Dati ako masyadong magalitin sa anak pero natutunan ko na hindi pala pwede. At kunwari lang silang papaluin ng di naman malakas kung gumawa ng masama. Ganyan din po anak ko, di po kumakain, ang milk po nya is Enfagrow pero kahit gaano kamahal payat pa rin po. Try nyo po kaya ang Bonna? Ang iba ko po kasing pamangkin hiyang sila sa Bonna. Alam nyo po I always challenge myself not to get mad sa anak ko unless may masamang ginagawa. I also found out, kailangan ng mga bata ang lambing. Ang anak natin ay pagsubok lang din sa atin kaya maging patient po tayo sa kanila.
Sis, make feeding fun for him. Try mo na siya lang susubo sa pagkain niya with your supervision pa din ha. Hayaan mo siya kamayin ang pagkain yung baby led weaning ang style. Patience lang din kasi messy yun talaga. At sa nabasa ko wag pilitin ang bata kung ayaw na niya kumain dahil mas alam nila kung busog na sila at lalong wag mong paluin kasi mas lalo yan mawawalan ng gana kumain. At kung ayaw talaga kumain baka may dinaramdam si baby mo. Ang gatas hiyangan lang din yan. But better ask from his pedia kung ano ma recommend. Kawawa si baby mo wag mo pagbuhatan ng kamay.😞
mommy stop worrying about the size and Weight of tour bay mommy, Kung malikot po sya and bibo nothing to worry po , wag po kau makinig sa mga tao na nagsasabi nyan unless Linapit mo sa pedia syaka sinabing hindi normal yung weight nya. First born ko nga po 12 kls. at Turning 4 year old but i do have nothing to worry mammy kase napakalikot nya tapos mara mi na syang alam, magaling narin po magsalita. tyqka sabi nang pedia nya Try not to look at numbers Or weight of your baby Try to look for his/her Achievement and milestone mommy Savi po nang pedia nya
relax ka lang po kaya mo yan. pag ayaw nya po ng vanilla try chocolate flavor. ganyan dn kasi anak ko ayaw ng vanilla kasi nauumay sya kaya inilipat ko sya sa chocolate flavor. sa vitamins po pwede mo try ang clusivol since complete na vitamins nya according sa pedia nya. and pwede mo dn po isabay ang pagkain nya habang naglalaro sya di nya mamalayan marami na sya mkakain. kaya mo yan momsh. diskartehan mo po lang. give him calamnsi juice dn po yung mismong piga na calamansi para mabilis gumaling ang sipon nya.
ok po momshie gagawin ko po yan,.. thanks and GODBLESS
minsan tlga masusubukan tayo, hinga muna mommy, may vitamin c nman po siguro iniinom niya nagyaon.. try mo po ibang flavor ng gatas like chocolate Kung ayaw n ng vanilla. Wla akong alam n gatas n ok bukod sa pediasure dun lng kasi nahiyang baby ko. as per pedia complete nutrition na siya, mahina kasi kumain din anak ko.. hindi ko n siya pinipilit kumain Pag ayaw binabawi ko n lng sa gatas, ayaw din niya ng vanilla flavor kaya nag switch Kmi sa chocolate. Ngayon d siya mataba pero Hindi din mapayat.
sige po bibili ko. po ng pediasure at yan po ipa inum ko sa kanya,.. thnks and GODBLESS
Kung 2 palang mommy kalikutan pa yan kya di talaga tabain pero baka din kasi sa side mo or daddy nya payat din minsan na mamana yun ganyan din ako s panganay ko minsan na co compare pa sya sa iba bakit payat, pero ngayon 7 na sya kahit payat siya di sya sakitin tska siksik siya at matangkad,try mo sa food nya lagi may sabaw gulay tapos yung fruits pwede mo sya cut ng shapes pra ganahan kainin pediasure milk niya nun mahal lang talaga pero worth it
Ano sabi ng pedia niya? Ako ksi non lagi ko din worry bat payat anak ko as long as ideal naman daw yung height at weight niya sa age niya wala daw ako non dapat ipag worry
hi momsh! 😘 according to my pedia, ages 1-3 ay mahirap talaga pakainin po. yan din palagi kong problema noon sa baby ko. explore ka lang ng iba't ibang healthy foods po. medyo mahirap pero para kay baby momsh, laban lang!😘😘😘yung ubo and sipon ngayon i think normal dahil sa panahon. more water momsh tsaka dalhin nyo din po sa center para mabigyan ng gamot. kaya mo yan momsh! 😇😇😇God bless po😘
mommy wag mo po pilitin c baby mo, Ganyan din anak ko till now 8yrs old na payat parin importante di sya sakitin, pakain mo Lang sakanya mommy ung gusto nya basta healthy food, kasi Kung nasasaktan nyo po sya lalo po syang di tataba, syaka ung anak ko po dati lahat ata ng vitamins na take na nya walang effect ginawa ko po inistop ko sya sa vitamins, vitamin c lang ang tinetake nya Ngayon lumakas po sya kumain,
pero subrang likot naman po niya momshie kasi sa akin langpo kasi marami nagsabi sa akin na malnourish ang baby koh,..subrang payat na kasi 😥
Mickey Lou