Totoo po, slow learner siya 10 years old na siya pero walang laman ang utak niya pagdating sa academics. Pagdating sa gadgets maraming alam pero sa pag-aaral wala, wanna know why? Kasi lagi siyang babad sa gadgets, while his mother answering his own module. Hinahayaan siyang humawak ng cellphone anytime he wants kahit may mga modules/assignments siya na dapat gawin. May kapatid ako na kasing age and grade niya, pero sa public siya and yung anak ng tita ko is private. Alam niyo na po siguro ang differences ng private at public. Ang ibang private schools kahit bagsak ka, pwede ka magbayad para maisalba ang mga grades mo. Unlike sa public na pag bagsak ka, okay uulit ka ulit. Yung kapatid ko malayong malayo sa anak ng tita ko, ang kapatid ko ginigising ng maaga para matapos ang modules niya. Seriously kapatid ko ang sumasagot, after ng modules "okay pwede na mag cp anytime" pero kapag hindi pa tapos means "BAWAL". Pero yung anak ng tita ko wala, walang pangarap matuto, mahilig siya magtanong ng kung ano ano pero hindi siya marunong magtanong tungkol sa ano ba ang dapat sagutin or ang isasagot sa module. I guess, nasa magulang nga ang dahilan kung bakit walang natututunan ang mga bata. Iilan lang sa mga bata ngayon ang nagsusumikap kahit walang tulong mula sa mga magulang. Hindi po ba? Okay lang kung may magbash sakin dito, kasi nagsasabi ako ng totoo, or else katulad ka din nila.
Anonymous