Slow learner anak ng tita ko

Totoo po, slow learner siya 10 years old na siya pero walang laman ang utak niya pagdating sa academics. Pagdating sa gadgets maraming alam pero sa pag-aaral wala, wanna know why? Kasi lagi siyang babad sa gadgets, while his mother answering his own module. Hinahayaan siyang humawak ng cellphone anytime he wants kahit may mga modules/assignments siya na dapat gawin. May kapatid ako na kasing age and grade niya, pero sa public siya and yung anak ng tita ko is private. Alam niyo na po siguro ang differences ng private at public. Ang ibang private schools kahit bagsak ka, pwede ka magbayad para maisalba ang mga grades mo. Unlike sa public na pag bagsak ka, okay uulit ka ulit. Yung kapatid ko malayong malayo sa anak ng tita ko, ang kapatid ko ginigising ng maaga para matapos ang modules niya. Seriously kapatid ko ang sumasagot, after ng modules "okay pwede na mag cp anytime" pero kapag hindi pa tapos means "BAWAL". Pero yung anak ng tita ko wala, walang pangarap matuto, mahilig siya magtanong ng kung ano ano pero hindi siya marunong magtanong tungkol sa ano ba ang dapat sagutin or ang isasagot sa module. I guess, nasa magulang nga ang dahilan kung bakit walang natututunan ang mga bata. Iilan lang sa mga bata ngayon ang nagsusumikap kahit walang tulong mula sa mga magulang. Hindi po ba? Okay lang kung may magbash sakin dito, kasi nagsasabi ako ng totoo, or else katulad ka din nila.

Slow learner anak ng tita ko
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Walang disiplina ang bata at spoiled. Yung bata din ang mahihirapan balang araw. Wag mo nalang icompare ung mga bata, cguro hindi talaga sya magaling sa acads, kundi sa ibang bagay

3y ago

Agree, wag i-compare ung mga bata. Alam naman natin acads/grades is not everything. Although hindi ibig sabihin hindi importante ang pag-aaral. Palagay ko hindi slow learner ung bata, hindi lang talaga nagagabayan. Gaya ng sabi nung nagpost curious naman ung bata, maraming tanong. Hindi lang interesado sa module. Bear in mind hindi madali sa mga bata itong set-up na homeschooling. May social skills silang kailangan, and baka ito ang dahilan kung bakit ayaw nung bata sa module. Also, hindi masamang mag gadget, because we’re living in a digital age already, may alam talaga dapat lahat sa technology. Pero may limit lang talaga, and ang parents ang mag-impose dapat ng oras na pwedeng mag gadget.