Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

advice lang mi, total may bhay kayo ng asawa mo. Dun ka nalang kahit tawagan mo nalang kapatid or kamag anak mong kaya kang alalayan. Hindi pwedeng masanay si baby sa MIL mo. Sa case ko naman mi sa mama ko nasanay noong una kasi 5 days akong binantayan ng mama ko sa hospital. sakanya nasanaya pero after naming makauwi umalis na din siya umuwi na rin sa asawa niya. Kaya ngayon nasanay na sakin si LO ko. Sa una mahirap pero kapag tumagal na masarap sa pakiramdam kasi ako na hinahanap hanap niya...

Magbasa pa