Ako lang ba???

Nung may nagsabi na kamukha ko si lo, bigla sinabi ni mil na “hindi marunong tumingin un nagsabi” ayaw ata na ako maging kamukha ng apo niya. Tapos pag ihehele niya si baby “tulog na baby ko” eh ako ung nanay dpat ako lang magsasabi nun. Ako lang ba dto mga mommies? Naiinis rin ba kayo minsan sa mil niyo? Tapos minsan siya pa masusunod kung ano dpat ang gagawin pagdating kay lo. Gusto ko lang naman po maging nanay, yung ako po mismo matuto sa pagpapalaki at pag aalaga kay lo.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din mom ko ang tawag nya "bunsuan ng nanay" pero di naman na ooffend si hubby. natutuwa pa nga. kahit sakin wala rin kaso. pati sa nabili namin damit colored kasi sabi nya di daw maganda tignan baby na mag colored agad, meron din sinabi na mali bili namin dahil hindi cotton. hindi naman naging offensive yun saamin ni hubby. eventually kasi narealized din namin na "ay oo nga parang madulas tong bili namin na tela kaysa sa bigay ni nanay na cotton. baka mainit tong nabili natin kaya tama lang sabi nya" and sabi nya rin "mommy ang panget nga kay baby mag dark clothes ang itim nya lalo sa picture" especially nung pinag suot namin ng dark red nung baby pa sya (Christmas), parang nakakaitim tignan. di ko alam kung samin lang or may parents din na ganon. eventually mii malalaman mo rin talaga kung ano tama at mali by experience pero yung sinabi ng mil mo na hindi marunong tumingin yung nag sabi. that's a little offensive hehehe or mali lang ang way ko ng pag basa. ikaw mii makaalam nyan

Magbasa pa

Di ko pa naman narinig yung “baby ko” sa mil ko, ang narinig ko lang is “baby namin”, sinimangutan ko sya ayun di na naulit. Haha. Sa mama ko pareho ko narinig yan. Tinatanong ko sya kung sya ba ang nagluwal or kasali ba sya gumawa 😆 Hindi pa naman nila ako pinapangunahan sa kung anong gagawin sa anak ko, pero pag nangyari yun at ipagpilitan nila gusto nila e mag bye bye na sila sa anak ko 🙂 Valid naman yung gusto mo mi, ika nga ‘your baby, your rules’. Kung di nila kaya respetuhin de wag nila hiramin yung anak mo. Aminadong masungit at madamot here. Sinasabi ko sa in laws ko para di sila nagugulat pag biglang iba na mood ko. Pinapahiram ko naman sa kanila anak ko basta sundin nila yung rules ko kasi di naman yun para sakin, para sa anak ko yun. Haha dami ebas feeling main character, sorry 😩

Magbasa pa
2y ago

Sana all mi may lakas ng loob na sumimangot sa mil. Haha. Mil ko kasi warfreak tyaka machismis. Bka nga ichismis din ako. Pag andto na siya sa bahay namin feeling siya ang nagluwal kay lo eh. Kukunin kahit natutulog tas ihehele niya. Siya din nagpapaligo araw araw tas papatulugin niya muna. Tas bibilihan niya mga gamit na bago. Ok lang sakin un kaso ung nga binibili kong gamit kay lo ayaw niyang gamitin kapag di niya nagustuhan. Laging may say.

may ibang nagiging overprotective pag kapanganak tlaga . sa case ko naman kapag sinisita sita ako o may mga suggestion sila at kaht minsan offended ako, keri lang hinahayaan ko nalang kasi for me sguro mas ok sakin ung may mga bagay pa ko ibang natutunan lalo na sla pinag daanan na nila un hehe 😂 actually sabi pa nla sakn dati mag anak nalang daw ult ako ng isa at kanila na ung panganay ko pero keri lang sakn kasi alam ko biro lang un . ☺️ try mo nalang mi ipositibo ang lahat tapos pag feeling mo naooffend kana sabhn mo sa asawa mo ☺️ kasi ako ganon e . 💖 goodluck

Magbasa pa

relate haha may mga MIL tlga na hindi ng iisip ng mga binibitawang salita na nakakasakit na sila ng damdamin experience ko yan until now pero binabalewala ko nlng parang nasanay na ako ,nung manganak ako sabi ng kapitbahay namin "nako carbon copy nang mama niya cguro inlove² yung tatay sa nanay" nakisabat nmn MIL ko sabi "nako hindi ah. palgi nga silang nag aaway nito" na offend ako sobra sinabi ko sa lip ko sabi niya wag na dw pansinin at sdyang gnyan na ugali masakit mgsalita 😐

Magbasa pa

Ako po okay lang saken siguro na sabihin yung "baby ko" sa anak ko once na lumabas na siya. Huwag lang yung sabihan siguro ako na "hindi marunong tumingin un nagsabi" 😂. Nakaka offend yata yon syempre anak mo yan sino pa ba magiging kamukha, it's either ikaw na mama niya o sa tatay niya. Against din siguro ako na mangialam sila pagdating sa pagpapalaki kay baby. May say sila, pero di sila dapat pwede mangialam dahil kayo naman po parents, kayo masusunod sa baby niyo.

Magbasa pa

baka namimiss nya lang po magkaroon ng baby or namimiss nya yung panahon na baby palang mga anak nya hahahah 😂 kaya siguro ganyan turing nya sa anak mo mi feeling nya sya nagluwal. pero try mo din kausapin MIL mo mi about sa nararamdaman mo lalo na kung hindi ka comportable mahirap kasi makisama kapag may mga ayaw ka sa mga ginagawa ng MIl mo 😊

Magbasa pa

ako nga mil q nag aalga sa 1yr old namin cmla pinanganak ko till now sakin wala ko pkialam sa gusto nia gawin sa baby ko as long as ok sa baby ko.d aq nag big deal or kht mliit na bagay pnllki ko... as long as ok ang anak ko ok lang sakin.pag knkha nia baby q skn ok lang pag knkha q sknya ok lang... sadya lang tlaga tau iba iba ang ugali ntn...

Magbasa pa

Yung lola ng lip ko ang tawag niya sa anak ko "MAHAL KO" ang sweet pero kasi sa tuwing maririnig yun ng baby ko masasanay siya haha 😭 9months na baby ko. And ang daming nagsasabi na kamata ko baby ko and si lip din nagsasabi na kamata ko anak namin. Pero si mil pinagpipilitan niya "kamukha ng tatay" hahahahaha natatawa nalang ako. 😂

Magbasa pa

Hahaha natatawa ako kasi nararanasan ko kay mil ko yan, “baby ko” rin sinasabi nya 😂 wala ako magawa hinahayaan ko na lang Iniisip ko na lang na “out of love” lang yung ganun. Wala naman sya ginagawa masama sa kin. Wag lang nya ko masabihan ng “di marunong tumingin yung nagsabi” magkakaalaman talaga kami haha

Magbasa pa
2y ago

Nakakaasar nga yan Mi, kala ko ako lang hahaha nag iisang anak nila yung hubby ko, kaya alam kong sabik sila sa baby. Pero pag pinangunahan nako, dun ako di papayag. Ako ho nagdala at naghirap sa batang yan oho, gawa na lang ho kayo ng sarili nyong baby oho 😂

Meron po tlga mga mommies na nagiging overprotective pagka-panganak. Yung iba nga ayaw ipahawak kahit kanino yung anak nila eh. Pero naiintindihan kita sis. Siguro ganyan din ako pagkapanganak😆

2y ago

Same mi. Mabait mil ko kaso feeling siya nagluwal e. Siya nasusunod, tas pg may binili akong gamit para kay baby na di nagustuhan laging may say! Alam ko naman na mas madami siyang alam sakin sa pag aalaga pero di naman siya yung nanganak e. Sana respeto sa nanay kasi wala namang nanay na gusto mapahamak ang anak niya..