Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try nio po mag skin to skin contact kay baby :) then sabihan nio nalang po na minsan kayo po magpapatahan wag agad kunin ni MIL pag umiiyak. kaya po sila tumatahan pag kinukuha ng iba kasi may mga tao talaga na sanay na sanay na maghawak ng baby, comfortable si baby sa position na un. same din kay baby ko may times pag kinukuha ng tita tulog agad. in our case naman po nag usap kami ni hubby ska mil na sa luto lang po namin need ng assistance, and sometimes sa gawaing bahay :) if need ko po ng help kay baby dun ko lang po binibigay kay mil. thankful dahil supportive si hubby. syempre may cons din po pag naging clingy sau si baby. ngaun 8mos na baby ko di ko maiwan kasi ako lang lagi hanap nya. mejo struggle gumalaw lalo na pag gusto ko ng me time. pero tiis lang muna ako kasi maiksi lang ang time na baby sila hehe

Magbasa pa