Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tyagain mo talaga mommy ganyan na ganyan ako nung unang week since cs ako gusto lagi ni MIL itatabi nya sa kanya yung baby ko... pero di talaga ako napayag kahit masakit tahi ko tiis lang talaga para saken mag dede baby ko. kahit sabihin nya na ipump ko nalang tas sa bote mag dede... natanggi talaga ako hehe sinasabi ko nalang mas gusto ni baby sa dede ko kesa sa bote. tyaga lang talaga kahit umiyak pa sya matagal titigil din yan basta buhatin mo lang sayaw sayaw mo...mas okay na yung amoy mo lang muna naaamoy nya.. ganun din kasi nung una pag kuha ng MIL ko tulog agad.. pero napag isip isip ko kasi napagod na saten si baby kaya nag kakataon na nakakatulog na sa iba... pero observe mo sa tagal ng iyak nya tatahan din sya sayo.. na pepressure lang kasi tayo patahinin si baby kasi nga may bakaabang na kukuha sa kanya..kaya ako kahit nakakapagod mag talaga mag patahan di ko talaga ibinibigay sa MIL ko.. pinapabuhat ko naman pag gising si baby nalalaro nya...

Magbasa pa