Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same case tayo Mii..gnian din ako nung una..1st apo nila kse at sabik na sabik sila sa baby nakakainis n nga minsan Kase tlagng kinukuha sakin pag umiiyak tipong Hindi na binababa si bby pag natultulog paano masasanaya sakin Ang bby kung lagi ganun un Ang nasa isip ko..e noon nahihiya nmn ako kase di prin tlga ako marunong mag alaga ng bby as ftm ako..naiyak nlng ako sa Cr pag ganun na feeling ko mas may bonding sila ni MIL..Nung unti unti na ako Natuto humawak Kay bby ayun Minsan tlga khit umiiyk at diko mapatahan kahit kunin sakin ni MIL diko binibigay sinasabi ko hayaan nyo ho para masanay sa karga ko ..Ngaun ok na Kilala nako ni Lo ko ☺️ Ang sarap sa feeling pag ikaw tlga nag aalaga sa bby mo e pero diko nmn minamasama kung may nkktulong ako like MIL Ko..pero minsan di rin maiwasan na mainis kse parang minsan Dina nila iniintindi nrrmdaman mo as mother.

Magbasa pa