hmm i have to comment on this kasi parang napagdaanan ko ito ๐
. ganyan na ganyan din ako nung mga unang weeks ni baby, 4months na sya ngayon btw. since hindi pa lumalabas ang milk ko nun mamsh ay more on formula pa si baby at nag uunli latch naman sya hanggang sa napalabas nya milk ko. so hindi nga sya tumatahan sa akin pero pag si MIL ay biglang stop at tulog agad at lahat naman ginagawa kong pag papatahan bago ibigay kay MIL at na feel ko din yang na fefeel mo ngayon mamsh. Gang sa may nakapagsabi sa akin na gusto daw mga babies amoy at warmth ng lola kaya ganon nalang sila pag nakakarga ng matatanda. Unli latch lang mamshie at darating ka sa time na tititigan ka ni baby pag nag dedede. Hanggang sa nagustuhan din ako ni baby at ayaw na nya sa iba kahit kay MIL at kasambahay namin. Ayun 4months na at ako na sumusuko, kunin nyo na muna si baby at napapagod na ako hahaha laging gusto sa tabi ko na ayaw magpababa na tipong hindi na ako makapag self care, mabilisan lagi ang pagligo/pagkain/poops. Minsan pag constipated ako hindi ko sure kung sino uunahin ko yung sarili ko ba na mag aantay lumabas ang poop o lalabas na ako ng cr kasi grabe na ang pag iyak ni baby at wala na naman ako sa tabi nya. Sa sobrang ka clingy han nya sa akin gusto buhat buhat ko lagi umaga gang gabi (e ang bigat bigat na nya)na pagod na pagod na likod ko kakabuhat. Hindi na ako makalabas sa bahay kc umiiyak at hindi tumatahan ako lagi hanap. So ayun mamsh, cherish moments like those at part yun ng process of upbringing. kung maibabalik ko lang ang panahon ay sinanay ko sana sya sa ibang tao magbuhat para hindi ako hirap na hirap ngayon.
Magbasa pa