Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Breastfeeding po sana ang best bonding na pwede nyong gawin ni lo (since that's their favorite thing and you're the only one who can provide it to lo ☺️) Anyways, para mapatahan, suggestion ko lang po is to stay calm and be confident. Yung tipo bang pagbuhat mo sa kanya, mafi-feel nya ang calmness and steady heartbeat mo. Kapag ikaw kasi mismo nagpapanic, mafi-feel din ni lo ang aura mo na iyon. Try to spend more time with your lo, and sabihin mo kay mil ang intention mo. Sabihin mo na as much as you appreciate her help, gusto mo na sa iyo masanay si lo, specially since ikaw rin naman ang mag-aalaga kay lo in the future (?). Para maiwasan ang alitan, pwede mo rin istroke ang ego ni mil at "magpaturo"ka sa kanya kung paano mapatahan si lo, and to "practice" her ways, ay huwag hayaang laging makuha sayo si lo mo 😅

Magbasa pa
3y ago

true mamsh good advice ito :D si lola namin nakiusap kami na more on gawaing bahay ung need namin na help then pagdating kay baby hands on kami ni hubby. nakaka build ng bonding kay baby lalo na ang breastfeeding ska bath time. try nio din po skin to skin contact ska baby massage