Tips sa mga gustong magka baby (based on my experience)
Tips na naging effective based on my trying to conceive experience (5 months kami nagtry ni hubby, pero 1 month lang kami nagsama sa iisang bubong tas nabuntis na agad ako) na ngayon ay nakabuo na (14wks pregnant): 1. Nagpa taas ng matres sa reliable na manghihilot. (oct and dec ako nagpahilot, tas january 15 nalaman ko preggy na ko) 2. Wash kayong 2 before sex. Hygienic dapat! 3. During missionary position, lagyan ng unan ang ilalim ng balakang ng girl. After labasan, wag gagalaw agad, ipastay na nakapasok lang muna for 2mins tas wag tatayo agad ang girl. 4. Kailangan sabay kayo mag orgasm. 5. Take vitamins na may folic acid. 6. Baguhin ang diet lalo na kung overweight. 7. Kumain ng gulay. 8. After 2hrs na maghugas at umihi after sex. Napapasma din daw yan sabi ng manghihilot. 9. Nakakababa ng ferility ang caffeine kaya wag gaano magkape. 10. Wag nyo gaano isipin about sa pagbe baby, enjoy the making love lang. Stress is number one na nakakababa ng fertility. 11. Iwasan ang rough activities. 12. Take vitamin C supplements, both hubby and wife. *Mag pregnancy test ng 2 magkaibang brand pag 7 to 10 days delayed ang regla. Dapat unang ihi sa umaga ang gagamitin sa pt.
Breastfeeding + Gentle Parenting Advocate Mom to 3yo Iyah and Newborn Maia✨