what to do?

Hello there! I want to share with you guys about my love life.. Any opinions are accepted(just leave it below) Heto na nga,nagkakilala kami ni partner ko dahil sa aming barkada, nirereto sya ng kaibigan ko na kaibigan nya rin at nalaman ko na may gusto sa akin si guy, ako naman honestly speaking ayaw ko talaga sya kasi alam kong 10 yrs ahead kami so everytime na nagha hang out kami with friends naiilang ako lalo na inaasar nila sa akin, however kahit naiinis ako sa kanya sobrang bait nya,matulungin wala ka talagang masabi at sa totoo lang ang laki ng tulong nya sa akin, if ever na may problema ako lagi nya akong mine message at ine encourage, at that time kasi broken hearted din ako and may problem sa work so yun as the days past by medyo nawawala na yung inis ko kahit inaasar nila ako sa kanya,unti-unti na a appreciate ko ang mga efforts nya which makes me fall inlove, yes little by little nafa fall na ako sa kanya pero di nya alam..(fast forward) around 15 days before his birthday, nag confess sya sa akin at liligawan nya daw ako sa ayaw at gusto ko syempre ako naman na nafall na sa kanya di na ako tumanggi so yun nga, yung ligaw dapat napunta agad agad sa "naging kami"(ang bilis lang?) pero that time na naging kami na doon ko lang nalaman na married sya pero hiwalay sila ng babae yun nga lang hindi pa sila annulled, yung mga oras na yun gusto ko agad humiwalay sa kanya,magalit,mainis sa kanya at mga barkada na hindi nagsabi sa akin pero baka may purpose nga ang Panginoon hindi ko siya iniwan, I waited him to explain everything at knowing sa lahat ng pinagdaanan nya sobra akong naawa, sya pala ang niloko ng maraming beses,at iniwan.. Akala ko sabi sabi nya lang mga yun para i save ang sarili nya pero mali ang akala ko, tama lahat ng sinabi nya.. Sinabi sa akin ng family nya at mga barkada nya ang tunay na nangyari sa past relationship nya,yung niloko sya, dinown sya, nilubog sya sa mga utang.. Upon hearing sa mga kwento nila my heart broke, sobrang naawa ako sa kanya so yun sabi ko sa sarili ko hindi ko sya iiwan, hindi na nya ulit mararanasan ang nangyari sa buhay nya(fast forward again) birthday na nya, we simply celebated his special day with our friends and sa araw na yun we never expected na may mangyayari sa amin, well honestly speaking after ng nangyari sa amin napapaisip ako what if magkabunga agad?... To our suprise yung what if ko nagtotoo nga(for you to know wala pala syang anak sa una nya, hindi sila nagkaanak at nag iisa din syang lalake sa kanilang magakakapatid) halo halong emosyon ang naramdaman ko that time as well with my partner, yung akala ko, maiinis sya or matataranta or what pero hindi sobrang natuwa sya! Pati family nya,mga barkada nya sobra silang natuwa! At ang nakakatuwa pa baby boy ang magiging panganay namin?? So malapit na ang due date ko days nalang ang hinihintay? Sa ex nya pala ayaw magpakita! Sana maawa naman sya at makonsensya sa ginawa nya, ayaw nyang makipag kita sa barangay para sana maayos na ang lahat at para wala ng gulo,gayunpaman ginagawa ni partner ang lahat lahat para makapagpirmahan na sila? ganun din sa supportive family nya What do you think mga momsh! Di naman ako masamang "kabit" diba?? Well for you to know din sobrang love ako ni partner at ng family nya kasi sobrang layo daw ng ugali namin ng ex niya and I'm proud of myself kasi hindi ako materialistic na babae, hindi maluho, ang gusto ko lang ang tunay na pagmamahal! Sorry sa ex nya kung na reveal ko ang ugali mo, sobra sobra na kasi ginawa mo, di deserve ng ex mo!

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy!!! 😊 Focus na lang kayo sa baby. Pray na lang na makipag cooperate ung ex wife para mag prosper ung annulment case so that you can legally marry each other na. Wish you happiness mommy. ☺️

5y ago

Pag pray po natin😇 wala po eh matigas po yata puso nya hehe

VIP Member

Maswerte ka. ☺ i mean walang naman perfect relationship di ba.. tanggap ka ng family nya at andyan sya for you un ang mahalaga. ☺

5y ago

Opo, tanggap na tanggap ako ng family nya, wala akong masabi lalong lalo na sa mga magulang nya😊 kasi nakita nilang masaya ang kaisa isa nilang anak nablalake😊

Sa mata ng batas, yes, you are other woman. Pero kung san ka masaya, dun ka as long as wala ka namang family na winawasak.

5y ago

Tama po! Walang family na winasak😊

Praying for your safe delivery. Just don't stress yourself 😉

5y ago

Thanks a lot! 😇

I think everything happens for a reason. 😊

5y ago

Tama, everything happens for a reason po