Subchorionic hemorrhage during pregnancy

Tanong q lng po mga mi kung sino po nakaranas ng subchorionic hemorrhage during pregnancy....Anu pong maipapayo po ninyo .......10weeks pregnant no spotting or bleeding ...

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1st transV ko is 5weeks2days kami ni baby. Noted na may subchorionic hemorrhage aq.. no spotting and bleeding dn aq pero may cramps aq na parang magkakaregla. Tinanong ko si OB if need ba magbed rest or ano need gawin, sabi nya less physical activity lang, no segs muna and lessen magbyahe kaya nag wfh muna aq every other day. Niresetahan dn aq pampakapit kasi dpat wala daw cramps. Pag nagspotting, thats the time ibebed rest nya ako. 7weeks3days kami nung 2nd transV ko, meron prin aq hemorrhage pero minimal nlng..sabi ni OB continue lang ng pampakapit.. thankfully healthy naman si baby. Basta less physical activity ka mamsh if wala ka naman spotting..pag nagkaron, thats the time magff up ka sa OB and bedrest na cguro. Skl based sa exp ko ☺️

Magbasa pa

during my 5 weeks (first transV ko) meron akong subchorionic bleeding then binigyan po ako ng OB ng pampakapit kasi pumapasok po ako sa work which is 1 hr and 30 mins ang travel. Bumalik kami sa OB ng 7 week nagpatransV uli nawala yung bleeding, then nung 8 weeks ako nagkaspotting po ako bumalik yung subchorionic bleeding ngayun nagleave na po ako 2 months. Di bale ng without pay basta ok po si baby. 1st time mom po ako.

Magbasa pa

bedrest lng po wag mi wag din po mag buhat ng mabigat

bed rest ka po. always pray, it works!!

VIP Member

pahinga momsh