Mag focus ka muna sa baby mo.. Kung nasa poder ka pa ng magulang mo mas okay yan.. Magpalakas ka, kumain ng maayos at mag pahinga.. Makakaranas ka ng postpartum depression at kailangan malabanan mo yan.. Wag mo muna intindihin ang nobyo mo kung ganyan na ang ginagawa nya sayo ngayon.. Basta kapag meron ka kailangan para sa baby iobliga mo syang magbigay sayo. Wag mo problemahin muna ang pag register ng bc ni baby.. Madali lang naman yan at reasonable kung late registrar due to pandemic. Mas mabuti nga yan dahil hanggat maaga eh nakiki lala mo na ang tatay ng anak mo.. At mapapag isipan mo pa ng maayos kung Dapat ka pa ba makisama sa kanya.
Sa nakikita ko hindi pa sya handa sa responsibilidad kaya panay ang rason sayo. Kasi kung mahal nya kayong mag-ina, gagawa sya ng way para mabisita man lang kayo kahit may pandemic. Pwede naman mag arkila ng sasakyan parents nya para makita apo nila. Kanino naka-apelyido si baby? Hindi pa ba register sa munisipyo birth certificate ni baby?
Yun nga po sabi ko sa kanya na mag arkila ng sasakyan para kahit papano makita man lang kami dun pa lang sa pag anak ko ng normal at di ako nahirapan malaking karausan na tapos sila pa yung nagpapahihirap lagi nyang sinasabi sakin bakit daw kailangan pa kasama magulang nya pag punta nya dito kung studyante daw ba sya at kailangan may magulang na kasama. Baka po sakin ko na lang ipa apelyido tutal wala naman po syang ka amor amor saming mag ina wala nga po sya nung nanganak ako e lola ko lang kasama ko kasi nasa ibang bansa mama ko
Anonymous