May Karapatan Ba Ko Huminde Sa LIP Ko?
Tanong ko lang po sana kung may karapatan ba ko pagbawalan lip ko na wag umalis. Kasi halos weekly na po sya umaalis at napunta sa pinsan nya na lalaki. Minsan dun pa nagoovernight. Hapon na uuwi. Though wala pa kaming anak.(nakunan ako) Ngayon, nagpaalam nanaman na aalis sya, pupunta nanaman sa pinsan nya. This time nagalit na talaga ko. Parang umaabuso na kasi eh.. Sobrang luwag ko sakanya, oo lang ako lagi ng oo. Tapos ngayon pinagmumura nya ko, ano daw ba karapatan ko eh pinsan nya un. Maghapon na po sila magkachat ng pinsan nya, umaga hanggang gabi naguusap sila. naglalaro pa kaming tatlo minsan ng COD. Sinasabayan ko sila. Sabi ko magsama na sila ng pinsan nya. Overreacting lang ba ko?