Feeling down lagi na ccompare ang baby ko sa pinsan nya :(

Hi moms. Normal ba mafeel ko ma hurt everytime icocompare baby ko sa pinsan nya. Halos magkasabay kasi kami nagbuntis ng ate ko, nanganak sya nung november ako sa april palang due date ko. Nakakasama lang ng loob kasi nag cocompare na agad sila. Kaya naisip ko gusto ko ilayo ang baby ko, malayo sa pinsan nya kasi ayokong ma hhurt sya. Minsan nga, nagsosorry ako sa baby ko kasi nararamdaman ko mali ba na sumabay ako sa pagbubuntis ng ate ko. Mali po ba nararamdaman ko? Dapat po ba ok lang sakin na ganun sila? Ang sakit lang lalo na sinabihan ako ng lola na teritoryo lng dw ng pinsan ng baby ko yung bahay namin and na echapwera lang daw anak ko pag lumabas. 😔

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi iniintindi yan mga gnyan mommy. Pabayaan mo sila at mabuhay ka ng naayon sa kung ano paniniwala mo. Dont let others affect what you think and how you live. Para di ka stressed out. May mga tao talaga na wala naman sila alam gawin kundi mang inis o kaya sirain ang maganda mo mood. Pinakamganda diyan, iwasan mo or pabyaan mo sila. Kasi parang sa kwento mo mommy, nacoconvince ka sa comparison nila sa pinsan niya. So naniniwala ka sa sinasabi nila kasi sinasabi mo mahuhurt un baby mo. Dapat tayo mga mommy. Tayo maboboost sa confidence ng anak natin kahit ano pa sabihin ng ibang tao. Maganda din kung bubukod kayo, kung may kasama kayo na iba. Para mas peace of mind.

Magbasa pa
VIP Member

If kaya nyo po makabukod mas okay po. Kase ngayon pa lang na di pa nalabas si baby nasstress na kayo. Unless you can voice out yung nararamdaman nyo po na ayaw nyong ganun na nagkakakumparahan na agad at may magbabago after nyo masabi yung feelings nyo.

Post reply imageGIF