42 Replies

Practicality wise cyempre hindi. Pero kung may budget ka naman OK lang kasi. Like us, we spent almost 100k sa bday nya. Hindi nya na enjoy pero every time na napapanuod nya yung SDE nya, hindi naman ma tawaran ang ngiti nya. So worth it narin. :)

for me.. yes.. kahit na hindi pa nya alam yung party nya, kc later on paglaki nya makikita nya kung anong effort ginawa namin for him, and maipadama namin sa kanya kung gaano sya kaimportante at gaano namin sya kamahal nung nag 1year na sya.

Practically speaking hindi ideal ang garbo at magastos na 1st bday. Pero if you want to build memories through photos and videos, yes worth it para makita ng anak mo pag malaki na sya na sobrang mahalaga sya sa inyong mag-asawa.

Depende sa financial capacity niyo po. Kung maluwag naman po sa budget niyo gumastos ng sobra, go. Pero para sakin po, siguro yung sakto lang. Sa 2nd bday na lang kung saan mas may muwang na yung bata.

idk pero nag enjoy kasi ung baby ko nung bday nya ii 😂😂 siguro nasa 20k lng din nagastos namin 😅 kung kaya ng budget go lang po. kung hndi ok lang nmn ung simple dami pang bday na dadating na mas maeennoy nya pa

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-20347)

kung may budget at kaya ng parents, it's ok na bongga 1st birthday ni baby, pro pag d kaya simple na lng kesa nman uutang kp pra bongga bday ni baby, may ganun kc n mga parents, uutang pra may pang handa ang anak.

kung kaya nman why not? kung ano lang po ang kaya. Once for all sa baby nyo nman yan at hindi para sa ibang tao, 1year old na po sya any types of occasion magarbo man o simple lang ma-appreciate nya yun. 😊💓

tama din po cguro kung kaya ng budget lalo na kung precious child po natin ang gagastusan natin peo kung ndi kaya sa budget cguro po sa sakto nlng atleast enjoy and happy ang buong pamilya kahit simple lng.

kami iyong sakto lng po sa budget nmin.. yes naisip din nmin kung bongga ang 1st.. no kami simple iyong sakto lng mag eenjoy lahat.. and big event namin for kida is binyag and 2nd birthday..po..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles