Dahil lang sa pera sisirain mo relasyon naten.

Tahimik lang dito sa lugar namen. Nasa liblib na lugar at nasa apat na bahay lang ang may nakatira. Kaya naman rinig na rinig yung away ng kapitbahay namin na bagong lipat na tingin ko magasawang nasa 20's palang. Yung lalake mura ng mura. Mukang naiwala nung babae yung yun pera nila. At di matahimik yung lalake na awayin at sisihin ang asawa nya. Yung sanggol nilang anak iyak ng iyak kanina pa. Pagdating na pagdating palang nila nagsisigawan at nagaaway na sila. May nabasa na din ako na ganito dito. Dahil sa pera, naiwanan den sa labas nun babae kase buntis at makakalimutin, galit na galit un lalake at kahit sa txt pinagmumumura yun asawa nya. Sorry sya ng sorry pero wala tuloy pa den away. Sabe, sa relasyon daw, isang pinaka wag pagaawayan ang pera. Dahil sa pera masisira ang relasyon, sigaw na nun babae na kapitbhay namin kanina. Alam ko mahirap kitain ang pera, pero yung masira ang relasyon nyo dahil don, yung magsalitaan ng masasakit na salita dahil sa galet, natatak yon. "Wala ka ng naitulong" , "put*****"...Napakasakit na mga salita yon. Nahiling ko nalang sa sarili ko, sana d namen pagdaanan ng partner ko. Never pa naman kami nagaway dahil don. Magigin lesson saken to.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

MALAMANG MAG AAWAY TALAGA DAHIL SA PERA. HINDI KAYO MABUBUHAY KUNG WALANG PERA AT LALONG HINDI KAYO MAKAKAPAG SAMA KUNG WALANG PERA. OO MADALI KITAIN YANG PERA NAYAN, PERO DAPAT NAISIP MO NA MALI KA DIN. WAG KANG IMMATURE HINDI KANA BATA PARA MAGDRAMA, TANGGAPIN MO YUNG MALI MO. TANGGAPIN DIN NG MISTER ANG MALI NYA, PAGUSAPAN NYO NG MABUTI YAN, AT NATURAL MAGMUMURA YANG ASAWA MO DAHIL GALIT YAN. TRY MO MAPUNTA SA SITWASYON NYA, NA NAGWOWORK KA TAPOS SIYA ANG NAKAWALA NG PERA. ANO GAGAWIN MO? SYEMPRE MADADALA KA DIN NG IYONG EMOSYON. TRY NYO MAGPALAMIG SA ISA'T ISA AT KUNG HANDA NA KAYO DUN ULIT KAYO MAGUSAP. MAGKASAMA LANG NAMAN KAYO SA IISANG BAHAY, WALANG PROBLEMANG HINDI NASOSOLUSYONAN SA MATINO AT MAHINAHON NA USAPAN. TANGGAPIN NYO PAREHAS ANG PAGKAKAMALI NYO, MAPAGKUMBABA KAYO SA ISA'T ISA. WAG KAYO MAGPADALA SA GALIT JUSKO. AT WAG NA WAG KAYONG MAGDEDESISYON LALO NA PAG GALIT.

Magbasa pa
VIP Member

Ito yung isang bagay na sabi ko sa LIP ko ayaw kong pag aawayan namin. Ang pera pwede mo pang kitain, oo mahirap kumita pero kikitain mo parin ang pera kahit anong mangyari. Pero kapag yung respeto mo nawala sa tao ng dahil lang sa pera, yung emotional effect nun sa tao hindi na mawawala yun. I always tell my LIP ang pera kaya mong gawan ng paraan yan kapag nawala pero yung mga masasakit na salita na bibitawan mo sa partner mo ng dahil sa galit mo di na mababawi kahit anong gawin mo.

Magbasa pa

Buti pagdating sa pera wala kaming pinagaawayan ng hubby ko. Dahil para samin mas mahalaga ang masaya kami kahit wala o sakto lang laman ng bulsa namin o kung wala nabang matitira saknya pag may gusto ako o para sa mga bata binibigay niya. Thumbs up sa mga mag asawang mas pinipili ang pamilya against money😊

Magbasa pa
VIP Member

Kaya nga mamsh..ang pera kikitain pa yan pero ang salitang nabitawan hindi mo na mababawi pa kht kelan. Lumipas man ang taon andun padin lalo nat ang mga kababaihan(ndi ko nmn linalahat) ay ndi nakakalimut lalo na pag nasaktan ng sobra..

Ikaw ata yung babaeng nagpost about sa nawalan siya ng pera dahil nakalimutan mo diba? Ate alam mo sa sarili mong ikaw yan.

5y ago

Oo sya nga yun

Una palang yan na ang sinabi nmin sa isat isa na wag pg awayan ang pera..

yaan mo na po problema nila yun 😂

Haha.. Hirap talaga pg walang pera

yaan mo na hindi naman ikaw un🙂

Sana pag usapan na lang ng maayos.