Dahil lang sa pera sisirain mo relasyon naten.

Tahimik lang dito sa lugar namen. Nasa liblib na lugar at nasa apat na bahay lang ang may nakatira. Kaya naman rinig na rinig yung away ng kapitbahay namin na bagong lipat na tingin ko magasawang nasa 20's palang. Yung lalake mura ng mura. Mukang naiwala nung babae yung yun pera nila. At di matahimik yung lalake na awayin at sisihin ang asawa nya. Yung sanggol nilang anak iyak ng iyak kanina pa. Pagdating na pagdating palang nila nagsisigawan at nagaaway na sila. May nabasa na din ako na ganito dito. Dahil sa pera, naiwanan den sa labas nun babae kase buntis at makakalimutin, galit na galit un lalake at kahit sa txt pinagmumumura yun asawa nya. Sorry sya ng sorry pero wala tuloy pa den away. Sabe, sa relasyon daw, isang pinaka wag pagaawayan ang pera. Dahil sa pera masisira ang relasyon, sigaw na nun babae na kapitbhay namin kanina. Alam ko mahirap kitain ang pera, pero yung masira ang relasyon nyo dahil don, yung magsalitaan ng masasakit na salita dahil sa galet, natatak yon. "Wala ka ng naitulong" , "put*****"...Napakasakit na mga salita yon. Nahiling ko nalang sa sarili ko, sana d namen pagdaanan ng partner ko. Never pa naman kami nagaway dahil don. Magigin lesson saken to.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ito yung isang bagay na sabi ko sa LIP ko ayaw kong pag aawayan namin. Ang pera pwede mo pang kitain, oo mahirap kumita pero kikitain mo parin ang pera kahit anong mangyari. Pero kapag yung respeto mo nawala sa tao ng dahil lang sa pera, yung emotional effect nun sa tao hindi na mawawala yun. I always tell my LIP ang pera kaya mong gawan ng paraan yan kapag nawala pero yung mga masasakit na salita na bibitawan mo sa partner mo ng dahil sa galit mo di na mababawi kahit anong gawin mo.

Magbasa pa