Shouting at your baby

Super stress ako lately lalo na ako lang at di ako matulungan ng asawa ko mag alaga sa 11 months old naming baby. Sa pananaw kasi ng asawa ko mga babae dapat nagbabantay sa anak at ni sa gawaing bahay di ako matulungan. Ultimo pinagkainan nya ako pa naghuhugas. Routine lang nya is papasok sa trabaho, kakaen at mag ccp pagkauwi at lalaruin lang ng saglit anak namin. Basta nakakapagtrabaho sya sapat na yun. Nagkakasakit na ko pero ako pa dadaingan nya na may masakit din sakanya. Ang ending ako na sa lahat at iignore ko na lang nararamdaman ko dahil wala rin ako maasahan. Naglalakad na kasi yung anak ko at napakalikot, ang hilig pang ipasok yung daliri sa mga socket ng kuryente. Nasisigawan ko sya lagi. Ano kaya magiging effect nun sakanya?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Talk to your husband sis na kung pwede tulungan ka once in awhile kung wala talaga syang kusa para di ka rin naiistress. May mga ganyang lalaki talaga, buti na lang husband ko hindi ganyan. Pag uwi nya tinatanong agad kung kumaen na ko tapos sya na sa bata para kahit papano makapagrelax ako. Try mo iwan sakanya yung bata maghapon para alam nya feeling mag multi task sa mga gawaing bahay habang nag aalaga ng bata.

Magbasa pa
6y ago

Same! Jowabels ko din, may kusa sa gawaing bahay. At pag day off nya, pinapatulog nya talaga ako. Yun lang naman ang gusto ko talaga, matulog hehe! Pag pray pa natin na mas dumami ang lalaking matitino.