Shouting at your baby

Super stress ako lately lalo na ako lang at di ako matulungan ng asawa ko mag alaga sa 11 months old naming baby. Sa pananaw kasi ng asawa ko mga babae dapat nagbabantay sa anak at ni sa gawaing bahay di ako matulungan. Ultimo pinagkainan nya ako pa naghuhugas. Routine lang nya is papasok sa trabaho, kakaen at mag ccp pagkauwi at lalaruin lang ng saglit anak namin. Basta nakakapagtrabaho sya sapat na yun. Nagkakasakit na ko pero ako pa dadaingan nya na may masakit din sakanya. Ang ending ako na sa lahat at iignore ko na lang nararamdaman ko dahil wala rin ako maasahan. Naglalakad na kasi yung anak ko at napakalikot, ang hilig pang ipasok yung daliri sa mga socket ng kuryente. Nasisigawan ko sya lagi. Ano kaya magiging effect nun sakanya?

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Almost same. Husband ko kasi every weekend lang umuuwi, buong week ako lang nag aalaga sa 2 daughters ko. Whixh is 2 yrs and 9 mos. And 8 yrs old. And im currently 37 weeks preggy, gustuhin ko man kumuha ng yaya wala naman kaming makita, minsan nakaka guilty na sigawan yung 2 yrs old ko, kasi ako sa lahat ng chores. Even though tumutulong naman yung daughter ko na 8. Minsan kapag nasisisgawan ko and napapagalitan yung 2byrs old ko, hahayaan ko lang cya muna umiiyak. Then right after tsaka ko sasabihin sknya na mali yung ginagawa nya at nahihiripan din ako. Then i say sorry. Then after a while mabait na cya, makikipag laro muna ako sknya. Then pag tulog na cya, tska ko na lang ginagawa yung chores. Patience lang mommy. Kakulitan talaga yung ganyan age.

Magbasa pa

Makakasanayan nya po yun. Isipin nyo nalang po halimbawa napaka kulit ng anak nyo tapos lumaki sya sa sigaw ng nanay tapos ngayong malaki na sya around 4-5 years old sinusuway nyo sa malumanay na pananalita hindi po sya makikinig kasi nasanay sya na kada kulit nya sigaw po yung naririnig nya sainyo. Or otherwise trauma po, na pag sinigawan nyo sya halos manginig yung buong katawan nya sa takot. Bata pa po ang anak nyo, naiintindihan ko po na baka na stress lang kayo ng sobra dahil salo nyo lahat ng gawain sa bahay at asikaso sa bata pero normal lang po sa mga baby/bata na magkulit kulit let him play tapos harangan nalang ng mga gamit yung mga danger zone sa bahay nyo. 😊

Magbasa pa
5y ago

Kalma lang po palagi momsh and minsan po libangin nyo po sarili nyo at kapag feeling nyo po sobrang bigat na ng pakiramdam nyo pray lang po kayo makakalma napo kayo after non 😊

VIP Member

Same here.. Kung Hindi ko pa ipakita yung panty Kong may dugo dahil SA stress hndi tutulong SA bahay eeh.. kaimbyerna.. tinatakot ko nga na mamamatay nako para makonsensya naman, Kaso hilig pa din painitin ulo ko.. πŸ™„ Minsan talaga sinasadya ko na Hindi kumilos SA bahay.. duh' d ako martir.. sampalin ko pa sya ehπŸ˜‚ Mahal ko asawa ko sis.. pero mas Mahal ko sarili ko.. pag may Gawain SA bahay na d ko nagagawa tapos pupunahin nya, " aber! Ikaw mag alaga SA mga anak mo, tatapusin ko lahat NG Gawain dto!" Yan ang sagot koπŸ˜‚πŸ€£ tamene NamanπŸ˜‚πŸ€£

Magbasa pa

Dapat matapang ka momshie hndi porke sya nag tatrabaho aalilain ka na nya. Anu papatayin mo ung sarili mo sa pagod dyan sa asawa mo. Ung anak mo lang alagaan mo ung asawa mo pag gawain mo yan. Palasin mo kung matigas talaga. ganyan din ung asawa ko nung mga unang araw nmin pag sasama. Trabaho nya dinadahilan nya. Sabi ko umalis ka na lang dito at parang nagiging dalawa ung anak ko dahil isa ka pa sa dagdag trabaho ko. Ayun buhat nun. Sya nag lalaba ng damit nmin ni baby at nag lilinis ng bahay. Alaga na lang me ng baby. :)

Magbasa pa

Ako din sis ganyan mimsan pa nag aaway talaga mmi dahil s anak kong mag 2 yrs old plang dis oct.,iyakin kasi siya at talagamb sakin lang siya lumalapit madalas.para makagawa ako ng gawaing bahay kelangan ko pa siya panoorin ng youtube para matapos ako,,etong asawa ko bgla nalang nagalit at iyakin daw ung bata syempre narindi ako kasi parang d nya anak kung magsalita so ayun nag away kami,,6 months pregnant pa ako,,

Magbasa pa

Talk to your husband sis na kung pwede tulungan ka once in awhile kung wala talaga syang kusa para di ka rin naiistress. May mga ganyang lalaki talaga, buti na lang husband ko hindi ganyan. Pag uwi nya tinatanong agad kung kumaen na ko tapos sya na sa bata para kahit papano makapagrelax ako. Try mo iwan sakanya yung bata maghapon para alam nya feeling mag multi task sa mga gawaing bahay habang nag aalaga ng bata.

Magbasa pa
5y ago

Same! Jowabels ko din, may kusa sa gawaing bahay. At pag day off nya, pinapatulog nya talaga ako. Yun lang naman ang gusto ko talaga, matulog hehe! Pag pray pa natin na mas dumami ang lalaking matitino.

THIS IS WHAT IS HAPPENING TO ME RIGHT NOW! AND 11MOS DIN LO KO.HEHE SSSSSZAME MOMMA. Yung kahit tinatrangkaso ka na basta galing work si husband ikaw pa rin gagawa ng lahat. Tapos kapag papasok sa work parang wala ka pa ring sakit! Ang ssarap mawala na parang bula eh. HAHAH cheret. Kalmado pa ako ng konte.

Magbasa pa
5y ago

Hug to you mommy. ❀ Hehe hirap talaga pag may sakit ang mga tulad nating mga mommy kasi tayo pa rin talaga sa lahat. Alaga tayo ng alaga pero pag tayo na bumigay, wala namang mag aalaga.

Usap kayo. Mahirap kaya mging housewife lalo na kung my alaga kang maliit na bata. Iparealize mo sknya gano khirap ang maiwan s bahay kesa mgtrabho at mg alaga. Sbhn mo sknya try nyo mgpalit ng sitwasyon. Buti nga sila my sweldo tayong mga ina trabho lang ng trabho ng libre, wala pang day off.

meron po momsh n mga pantakip sa socket.yung anak ng kapitbhay nmin gnyan din gusto ipasok yung daliri ginagawa nmin dinidikitan ng mdyo scary n pic sa gilid ng socket,ayon di n sya lalapit πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

dapat wag sisigawan ang bata momsh lalo na at wala pa syang pang intindi.baka maging matatakutin yan or ma low self esteem sya.nakakapagod tlaga sa house kausapin mo ung husband mo na tulungan ka