Mommies, sino Dito May Social Anxiety Even Before Pa Magkaanak?

No judge po sana. Super socially awkward akong tao, ayoko umaattend ng party kasi tumataas anxiety ko. Di ako makahinga. Tapos nagtatago na lang ako lagi sa restroom. Minsan di ko alam sasabihin o ikkwento ko pag may kausap ako. May ikkwento ako tapos bigla akong tatahimik. Wala na kong maisip na ikwento. Tapos ang awkward na. kaya minsan ayoko na lang talaga lumabas ng kwarto ko, may times din na di ko kayang tumingin sa mata ng kausap ko. Lagi ako nagzozone out. Mas doble ung hirap pag may anak kasi you have to mingle with other parents sa school, need umattend ng meetings. Hays. Even dalaga pa ko. Ganto na ko. Pag niyayaya ako ng LIP ko sumama lumabas kasama friends nya nanlalamig na kamay ko. Lagi na lang ako tumatanggi. I can't live a normal life. Andami kong naging work pero di ako tumatagal. 5mos ata pinakamatagal. Bilis ko kasi madrain pag andaming tao. I have an online business and un talaga bagay sakin. Avoidant personality disorder daw tawag sa behavior ko..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May social anxiety din ako mamsh, good thing yung mga tao sa paligid ko yung nagaadjust para sakin kaya kahit papano naoovercome ko.

5y ago

Buti ka pa po. Ako di ko kayang sabihin sakanila even sa family ko. Nahihiya ako. 😪

Diagnosed po kayo? 😞

5y ago

Opo eh. Uminom na ko gamot, clonazepam, sa Thailand pa ko nagpacheck kasi tumira ako dun. Gumana ung gamot pero saglit lang. Saka may side effect din.