33 Replies
Nabuntis din ako last year 19 lang ako 5 months kong tinago sa parents ko. Hindi naman favoritism pero ako ang pinaka pinagkakatiwalaan at pinagmamalaki nilang anak. Sa lahat ng aspeto sa pera, sa pag aaral never ko silang nabigo, kahit sa gawaing bahay. Lagi nila akong pinagmamalaki na "Yan si ano yan ang pinaka mabait sa lahat ng anak namin". Hindi nila alam kung paano nangyari dahil ni minsan hindi naman daw ako nagpapagabi. Yung nanay ko mga 3months palang nagdududa na pero sabi nya yung time na yun tinatawanan lang daw nya sarili nya kasi napaka labo naman daw na mabuntis ako. Pero wala eh nakakalusot padin talaga ako hehe. Nung sinabi ko sa nanay ko nabigla sya pero ni isang salitang masakit wala akong narinig hindi manlang nga sya nagtaas ng boses sa halip niyakap pa nya ako kasi alam daw nya kung gano kahirap pinagdaanan ko biruin mo ba naman ilang buwan akong walang alaga tapos tagtag sa gawaing bahay after nun sya na nagsabi sa tatay ko kasi matapang tatay ko sundalo kasi pero nung nalaman din di rin naman nagalit pero ramdam ko na may tampo sya. Masasabi ko lang po tanggapin nyo nalang po suportahan nyo sya kailangan na kailangan po nya yun ngayon buhay po ng apo nyo ang dala nya. Sabi nga pagbuntis ka yung isang paa mo nakabaon sa hukay.
i'm already 7months pregnant with my first baby. I'm already 22 and I haven't told my mom about it yet. whenever I have the courage to tell my mom about it, bigla bigla akong nagkakaroon ng anxiety attacks so umaatras yung dila ko. thinking na baka kung ano sabihin sakin na masasakit, baka idisown nya ako. i've been a rebel to her and she's been a single mom since I was born. i gave her a hard time sa last bf kong g*g* (2 years ko di pinansin at inaway mom ko for him, then we broke up, but now, Mom and I are okay and happy with my hubby which is the father of my baby) and I am very very worried na baka madisappoint ko sya ng sobra because of my pregnancy. my mom actually can feel na i'm pregnant but I'm still denying it . natatakot ako sobra. so my hubby said sya na ang bahala kumausap kay mommy since di ako makapagsalita ng maayos sa sobrang kaba plus sumasakit tyan ko whenever kinakabahan ako feeling ko pag sumakit pa tyan ko mapapaanak ako ng di oras. ps. di pa kami kasal ni hubby.
I'm 21, turning 22 palang this March but already pregnant with my first baby. At first nahirapan din ako sabihin sa mga parents ko at sa relatives because of the judgment na akala ko maririnig ko. I am already a professional po, and matagal na namin plano ng boyfriend ko magpakasal pero kahit po graduate na ako and may job napo kami sa profession namin ng boyfriend ko, I still felt na may sasabin parin na masama tungkol sa akin kasi nga medjo bata pa. But when naglakas loob ako sabihin sa mama ko, she accepted it wholeheartedly at nagkalakas loob na din ako sabihin sa papa ko na nasa Saudi. They both accepted it and were in fact very supportive. Because of that, nasabi ko sa sarili ko hindi na mag ma-matter ang sasabihin ng iba dahil supported ako ng mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. so support po ang kailangan. believe me po, showing your daughter that you will be there no matter what will make all the difference 😊
I got pregnant last year, i was just 19 years old and still studying that time. It was super hard for me to tell my parents i was pregnant because i always told myself na “patay ka na, pano na gagawin sayo niyan” but when i finally got the courage to tell them, yes at first i was hard, especially with my dad lalo’t na close kami. We werent in speaking terms, pero inalagaan niya parin ako kahit papano. He still cooked for me, drive me to places i needed to be. Honestly, mahirap talaga siya tanggapin pero ano pa ba magagawa natin if ever nga meron nang baby. The best thing to do is to make the most out of it. Think of it on a lighter note. Now, i’m a full time mommy and a part time student. Naging nanay man ako ng maaga, naging inspiration ko naman siya para mag pursige at mag aral ng mabuti.
I'm 20 and I'm 5 months pregnant. At first, natatakot akong umamin kay Papa na buntis ako kasi natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Na baka palayasin niya ako, saktan ako, itakwil ako. But I was wrong. I WAS SO WRONG. Kasi nung umamin ako kay Papa tinanggap niya ako ng buong buo pati yung baby ko. Pati boyfriend ko tinanggap niya. Syempre kakausapin ka nila at ipapaintindi sayo kung ano yung pagkakamaling nagawa mo. Tanggapin niyo parin anak niyo. Blessing din naman yang baby sainyo. Kausapin niyo siya ng maayos. Magiging okay din ang lahat
Una, dalhin mo sa doctor para macheck-up siya. Pangalawa, mag-usap kayo ng masinsinan, wala ka na rin namang magagawa kung talagang "buntis" siya, kahit masakit at nakakagalit, walang ibang masasandalan ang anak mo kundi ikaw. Bilang ina, kailangan mong maging matatag sa sitwasyon at patuloy na gabayan ang anak sa bawat desisyon na kanyang gagawin. Takot at pangamba ang nararamdaman ng anak mo ngayon, alam niyang nagkamali siya. Kung hindi siya buntis, may isa ka pang chance para mas magabayan siya tungkol sa mga bagay-bagay.
Ako nga po young mom at the age of 16 pero naintindihan naman ako ng mama ko at sinuportahan niya po ako dahil sobrang selan po ng pagbubuntis ko. wag ka po malungkot kasi blessing po ang baby at hindi naman po jan nagtatapos ang buhay at pag-asa ng anak niyo po. yan po ang magiging simula at ang baby ang magiging inspirasyon niya para ipagpatuloy niya anh pangarap niya sa buhay. ako nga po iniwan ng boyfriend ko pero pinagpatuloy parin ng mama ko na suportahan ako at mas minahal niya po ako kami ng baby ko.
Kausapin niyo po yung anak niyo ng masinsinan.. ganyan din po ako sa mama ko indenial pako sakanya kasi natatakot ako pero ayun nga 5 mons na pala tyan ko nun. Normal lang po na ma-disappoint or malungkot sa nangyare pero andyan naman na po yan 🤗 Make sure nalang na wag na siya uulit hehe. Lesson learned nalang! Tanggapin nalang po and magpray kay Lord kasi blessing din naman po yan.. hindi po ibibigay ni Lord ang pagsubok satin ng hindi natin nakakayanan! Stay positive lang po ❤️
Nakaka alarming na talaga ang mga gawain ng kabataan ngayon. They engage too early in sex or either walang contraceptive method. Disturbing na talaga. Nakaka disappoint ang nangyari sa anak mo - esp kung nag aaral pa sya. Im sorry but nakakainis yung mga taong hindi mn lng nila naisip yung feelings ng parents nila or their future. Yung tipong hindi mo pa kayang buhayin sarili mo at bigla kang mabuntis- for sure si parents ang sasagot ng gastusin - very shameful.
Hi mommyyy... Pleased kung sakali na ganyan ngkamali ang anak niyo suportahan niyo padin kase ako 9 weeks preggy na then 7 years na kame ng bf ko we have stable job naman po una natakot ako sabihin sa parents ko akala ko magwawala pero ang gnawa nila sinoportahan nila ako kase pagnagtanim ka ng sama ng loob sa anak mo may posible na di gaganda ang buhay niyo. So please mommy support her ikaw ang karamay niya
Yes ganyan ganyan sissy. 24 ako turninh 25 this august. Oo magagalit sila pero mas magamda yung ipapalit nila dun kase aasikasuhin ka nila ng sobra sobra. basta kahit in the future mangyare tk suportahan lang naten ang mga anak naten. excited to be mom nadin ako. 💖
Mikee