yung anak ko po na may hernia
Ang anak ko po ay 1yr and 4 months tapos may hernia po sya .. Nalaman ko na may hernia pala ang anak ko noong 4days palang sya tapos ngayon nababahala po ako kasi naglalaki anak ko mas lalo pong lumalaki yung bukol sa may kilid ng ari nya .. Pero alam nman po namin na wlang gamot dito kundi surgery lang .. Pero pag umiiyak lang lumalaki yung bukol pero pag hindi nman sya umiiyak parang normal lang .. Ano ba ang dapat kong gawin .. Natatakot kasi ako na sa ganyang kalagayan ma oopera na sya .. Gusto kasi namin mag asawa na sa pag 10 years old na sya mag pa opera ...
3 y.o my son undergo sa operation, and now he's 6 y.o. before napansin ko pag nakahiga normal Naman pero pag maghapon naglalaro nagkatayo sya mas Malaki ung isang ball nya. Kaya nag seek kme agad ng advise. Right after ma confirm ng doc na hernia nga, Pina sked na namin for operation. Pinasabay na din Naman circumcision nya. Thank God mabilis lng Naman healing.
Magbasa pasame tayo nung 1 month din si baby sinuggest ng pedia ko na hilutin lng ng pataas bumili pa nga ako nung kung ano ano gamit sa hernia pero di ko nagamit pinagtyagaab ko hilutin pataas at painitan ung itlog nia ngyon 7 mnths na nawala pero try mo pa din mgpaconsult sa surgeon un din kasi sasabihin sayo ng pedia mo humngi ka na ng advice
Magbasa paganyan sya dati sis pero nwala din kasi dipa fully develope si baby my ngsabi ngsasara pa yun pag hindi ngsara dun un inooperahan wag ka din mashado pag alala di ganun kakomplikado yan kahit operahan kasi minor opwration sya always ka lng magpray kay lord ganun ginwa ko sa awa ni lord na wala nmn sya
Magbasa paAng alam q po dapat agad na maagapan yan.. Pero much better magpasecond opinion po kayo sa ibang pedia. Anak q kasing babae nung 6 years old pa lang amnagkaganyan and natakot po aqo nung nalaman qong delekado kapag di q agad pinaopera. Successful po ang operation, praise God!
mas maganda po maaga sya ma operahan kasi mas mabilis po ang healing process ng sugat, at para hindi po mahirapan si baby, bawal po kasi sya mag pagod pag hindi agad naoperahan yan kasi po lumalaki
ganyan din po situation ng baby boy ko..mag 2months po sya nun napansin ko..now under observation sya till June..pag umiiyak po sya bumubukol pa rin..☹
Ako po 6weeks old pa lang baby ko inoperahan na kasi delikado daw po ang luslos. Ngayon awa ng Dyos 5yrs old na sya at walang sakit.
Sa pedia po kayo magask. Alam ko po kasi kapag di naagapan yung hernia possible na maging infertile siya. Kaya agapan nio na po.
Pina check up naman namin cya tapos ang sabi lang ng doctor sa amin na pag mag bukol daw ulit e push lang daw pa taas kasi. Mas delikado kung maipit ..
Mas mainam momsh habang baby pa po si LO ask din po sa pedia kung anong mas magandang gawin
Opo pina check up nadin namin sya tapos ang sabi lang samin ng doctor na pag mag bukol daw ulit e push lang daw para mabalik sa dati ...
Yung anak po ng friend ko momsh, 2 months old palang baby nya naoperahan na.
Wife. Mom of 3. ❤️