Subchorionic Hemorrhage
6 weeks and 1 day ako nun nung nakita na meron ako subchorionic hemorrhage sobra akong kinakabahan kaya niresetahan ako ng pampakapit, may same case po ba ako dito? any advice po 8 weeks and 2 days na po ako ngayon, salamat po sa mga sasagot.#1stimemom #advicepls #firstbaby
3 and half month ako bedrest buong 1st trimester nakaleave ako sa work.then 1 and half month ako nagtake Ng duphaston 3x a day.follow your ob Kain,tulog,ligo lang muna gawin mo..then eat healthy foods,,I'm currently 21weeks so far Wala na ko nararamdaman na pain sa puson dahil sa subchorionic hemorrhage,, kausapin mo din baby mo mom's na magpalakas sya sa womb mo and pray lagi,6weeks and 1day baby ko nung malaman nmin meron ako subchorionic,,,by july pelvic utz namin ni baby para Makita gender and Kung meron pa bleeding sa loob..
Magbasa paComplete bed rest lang and take your vitamins at pampakapit daily. May subchorionic hemorrhage din ako and inabot ng 5 months sakin na may ganun ako, nung 2 months ako muntik na mawala sakin baby ko dala ng stress, after ko mahospitalise non, iniwasan ko lahat ng bawal especially stress at puyat, so far nakasurvive naman kami ng baby ko, complete bed rest lang talaga, iwas sa puyat at mga bawal na sinabi ng doctor, sundin mo lang sya, magiging okay din kayo.
Magbasa paHello mommy ako may hemmorhage ako sa 2nd baby namin ngaun pero sa tulong ng pagdadasal awa ng Ama malapit lapit na namin makita si baby boy this coming August .. uminom din ako ng pampakapit at ibang gamot bed rest and iwas stress lang yan ang sabi sakin ni OB nakaranas din ako na dinudugo ..
Sakin nag ka ganyan ako sa 1st tri ko. Halos isang buwan akong may hemorrhage, bedrest ako then may ininom na pampakapit. Sabi din ng ob ko pde naman daw tumayo tayo, mag lakad lakad. Wag lang heavy task sa bahay. Eventually nawala din sya. Kasi sabi ni ob habang lumalaki ang baby nawawala din.
kamusta kana mami okay na po kayo ngayon wala na bang hemorrhage?
Hello mi, na diagnosed din ako ng Minimal Subchrionic Hemorrhage nung 12 weeks ako and sabi ni ob normal lng dw un sa early weeks ng pregnancy bsta bed rest lng ako and avoid stressing myself. Niresetahan din ako pampakapit. Ngayon mag 7 months nako wala na ung hemorrhage.
wow sana malampasan na din namin ni baby, pray lang talaga ang kailangan :) thankyou sa comment mo mami
Hello Mommy, meron din ako 5weeks and 6 days niresetahan din pampakapit tapos nag repeat tvs ako 8weeks 1 day lumiit na yung Hemorrhage. Ganun din sa 1st baby ko pero di na ko niresetahan ng pampakapit kasi may heartbeat namana.
Don't worry po Mommy, basta sundin nyi lang doctor at magiingat
Ako po complete bed rest