βœ•

mabarkadang asawa

Hello. May sshare lang ako. Bagong kasal lang kami ng exjowa ko at after magpakasal nabuntis din ako agad. Usapan namin, 1 yr pa bago magbuntis e pero oks lang din naman na preggy ako. Mag 5 months na akong preggy. So ayun na nga... yung asawa ko kasi, mabarkada talaga. Inom inom ganyan. Pero dahil ofw sya before kami mag pakasal, mejo namiss nya ang buhay nya dito sa pinas na yun nga, barkada inom party ganyan.. ngayon na mag asawa na kami, ayoko maging kontRabida sa buhay nya kaya pag gusto nya uminom, pinapayagan ko naman. Tsaka may tiwala naman ako sknya. Pero dahil dito na sya nagwowork sa pinas, yung mga katrabaho nya ngayon na bagong kakilala lang din nya, di ko feel. Kasi may groupchat sila tapos may nakita ako dun na di maganda sa paningin ko. Nagsesend sila ng pic ng babae tapos ayun pinag uusapan nila. Sympre, bilang may tiwala ako sa asawa ko, sobrang hurt ako nung nakita at nabasa ko yun. Nabastusan ako eh kasi may asawa na sya tapos ganon. Yung mga katrabaho nya na nandun sa groupchat, mga single pa. So kung mag usap talaga sila tungkol aa babae ganon ganon na lang. ngayon, tuwing magpapaalam tong asawa ko na iinom or lalabas kasama yung mga yun, di ako pumapayag. Sumusunod naman sya. Tsaka yung mga kasama nya na yun lang yung ayaw ko. Yung kabarkada nya since highschool or mga kababata nya, okay lang naman sakin na yun kasama nya. Kilala ko naman sila. Pero itong workmates, di ko talaga bet. so sa part ko, feeling ko, di ko naman sya sinasakal. Kasi nakakalabas pa din naman sya. Tama ba ko? Or nakakasakal yun? Eh, ang akin lang, kung di ko lang nakita yung groupchat nila, papayagan ko din naman syang kasama ung mga yun. Pero dahil may nakita ako, ekis na. Nasa katwiran ba ako? Minsan iniisip ko bakit kasi nagbasa pa ko ng groupchat HAHAHA pero kasi diba... gets nyo ba nararamdaman ko? ? Ngayon, nagpaalam malelate daw sya ng uwi dahil may meeting. Tinanong ko kung saan ung meeting kasi nakakapagtaka na may meeting after working hours? Ano ako, shunga? Hehe. Girls' instinct. So to make the long story short, di yun meeting. Sinabe lang nya na meeting para pumayag ako. Sabi ko umuwi na sya pagkaout nya. Oo daw. Tapos tinanong ako kung pwede daw ba sya pumunta (ayaw talaga paawat eh, alak na alak lang?) tinanong ko sya kung tama ba na pumunta sya. Then sabi ko na sya na ang bahala. Hmmm, nasa katwiran ba ko? Or oa ako? Ano ba dapat gawin? Kasi sa totoo lang, di naman ako mahigpit. Dahil lang dun sa nakita ko sa groupchat.

2 Replies

VIP Member

You're not OA, not paranoid, not crazy a** Sissy. Pamilyado na si Hubby dapat less na barkada. :) If you feel something na, try to talk to him. Hubby ko kasi may mga group chat din. Pero never ko nakitaan na nakisali sya sa mga kung anu anong topic. And ang maganda pa don, napasama sya sa maayos na barkada. Nag iinom sya minsan, as in minsan lang tapos maya't maya pa sya nag sesend ng selfies or groupies nila even though I'm not asking. Lagi din kami naguusap about sa time with family, with friends and also for ourselves. So what I'm trying to say is nasa pag uusap lang yan Sis. Sana matutunan ni Hubby how to respect. Cus sending pics of other girls is really a NO, NO. For what diba? 😊

Kung nakikisawsaw cya sa malaswang usapan ekis nga un. Pero kung hindi naman siguro wala ka naman dapat ikabahala. Iopen up mo din sa kanya ung nararamdaman mo about it and his colleagues atleast aware cya sa pinaghuhugutan mo. Para hindi ka magmukang kontra2 lang. Magasawa na kayo at magkakaanak. Dapat mas priority na kayo over friends lalo na over bisyo

Dibaaaa. Tsaka hindi ganon yung pagkakakilala ko sknya. The whole time na mag gf-bf pa lang kami, loyal at faithful talaga yun kahit nag LDR kami (jeddah to PH). Kaya sobra sama ng loob ko nung nakita ko yun. Iyak ako ng iyak. Minsan naiisip ko na baka kaya ganon eh dahil nagpapasikat sa mga katrabaho. Kasi sya lang may asawa tapoa may itsura pa asawa ko. Parang pa-pogi, ganon. Pero di pa din yun excuse. Feel ko talaga na na-betray ako.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles