Hi mommies, turning 1yo na si baby, wala pa din syang kahit anong word na kayang sabihin.
Speech delay?? Normal lang kaya to?

More interaction kay LO, less screen time. Ulit ulitin mo lang yung words (and actions), describe things around them din. Always always talk to them. And don't forget to breath mommy wag ipressure ang self and si baby 1 palang naman.
Normal. Cause for concern na kapag 18 months si LO and less than 10 words palang ang kaya. Counted as words ang mimicking of sounds like "vroom-vroom", "beep-beep", "moo", "tweet-tweet", etc., and sign language.
pero nagta-try naman kausapin kayo? di lang maunawaan? if nagkukuwento naman sya pero hindi lang maintindihan, normal lang yan hindi lahat ng bata clear ang pagsasalita. esp yung mga batang lalaki.
More usap po kay baby. And iwasan muna yung halo halong language. Yung kapitbahay kasi namin, english, tagalog, tapos yung local dialect. Ending delayed ang speech ng bata
buhay ay di karera sabi ng bini. walang problema kung late ang anak. basta ang mahalaga iparamdam niyo gaano niyo siya kamahal.
Si LO ko 2.5yo bago nagsalita, inistop ko ang gadget yun nagsalita, kausapin nyo rin lagi.
lage lng kausapin si baby and iwasan muna ang screen time,