Speech delay
Hello mga mamsh. Its about my niece, turning 1 year old na ksi sya next month pero hindi parin sya nakakapag utter ng words. Kahit simple mama or papa wala. Ano kayang pwede gawin or may problem po ba yung ganun? Or normal lang?
Iba iba po ang development ng baby..antayin nyo lang po..hindi pa po yan matatawag na speech delay..let the baby practice to eat..yung magngunguya cya to practice his/her jaw.. yan yung isang paraan para matuto magsalita yung bata..keep safe po💗
It's okay. Don't worry too much. Anak ko nagfirst bday hindi pa nakakapgsalita at Hindi pa nakakalakad mag-isa. Huwag nyo po ipapanood Ng TV si baby agad. Lagi nyo Rin po kausapin Ng straight. Also check Kung maayos Ang pandinig niya.
Sis sabi ng matatanda pag daw nauna naglakad ang baby, medyo late nakakapagsalita.. Pero maaga pa naman po kaya I think normal pa.. Basta kausapin nyo lang po ng diretso not baby talk.. 😊
Ang aga pa po para masabi nyo na may speech delay ang baby nyo. Ano iniexpect nyo sa 1 year old nagmumura na? Enjoy nyo muna ang ganyan wala po problema sa anak mo kayo ang may problema.
normal lang po yan di po pare parehas ang development ng bata basta kausapin ng kausapin Lang po kahit di sya nag sasalita pag paulit ulit nyang naririnig matuto din po yan
Best to consult with developmental pedia to assess if meron ngang speech delay or other underlying conditions para mabigyan din g proper intervention and therapy
Mommy..iba iba po ang development ng babies.. Paconsult niyo po sa pedia si baby para marecommend po kayo sa developmental na pedia😊
Normal po. Iba iba ang development ng bata, depende din sa environment niya. Sa pinsan ko 3 years old bago nkpasalita.
Normal naman po yan. Pinsan ko 4yrs old bago nakapagsalita yun pala sobrang tahimik nya lang
Ganyan din po anak iba iba po kasi development ng mga bata 😊
Akio's Mom ♥️ | CS and EBF momma