We are not perfect but we are enough😊

Sometimes I get so frustrated will all the bills we have to pay tapos one income household lang kami. Minsan nakakadown na di ako nakakacontribute financially. Di ako makatulog sa gabi kakaisip paano ba ako makakapagwork with 2 kids na kailangan ko din tutukan. A four year old na nagaaral na and a 2year old na kailangan na din turuan ng basic. I have to cook, clean the house, do the laundry, attend to my kids and husband. Naiisip ko ganito lang ba ako. Minsan feeling ko kasambahay lang ako pero syempre hindi naman totoo un (pag lang talaga sobrang down kung ano anong negativities ang pumapasok sa isip ko). My husband always tells me na hindi nila kaya kung wala ako. Na hindi totoo na hindi ako nakakacontribute kasi malaki ang ambag ko para mabawasan ang gastos. Ebf ang parehong anak ko. Awat na sa diaper ung isa while ung isa e cloth diapers ang gamit. Di namin kailangan kumuha kasambahay kasi ako ung nagaalaga sa kanila. We are actually blessed na kaya namin ang mga bayarin kahit na isa lang si husband na nagwowork. Na I can stay at home to look after our children. Wala pa kaming sariling bahay, walang ipon pero ang daming pwedeng ipagpasalamat dahil sa kabila ng lahat ay hindi kami nagkakasakit lalo na ang mga bata. Kumakain kami ng enough, may bubong nasisilungan. Kumportable naman ang buhay. Sometimes we fail to appreciate what we have because we tend to focus on what we dont have. Malaking factor din ang social media for that kasi madami tayong nakikita na meron ang iba na wala naman tayo. Nakakadagdag sa frustrations lang. Sa mga moms out there na pinanghihinaan ng loob kaya nyo yan. Kaya natin to! We are always stronger than what we think we are. Walang di kakayanin para sa anak. We might not be perfect but we are enough😊 #wonderwomom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i agree. and minsan kasi,sa dami ng nangyayari sa buhay natin,minsan yung negative lang napapansin natin. at nakakalimutan na natin makita at maapreciate yung mga bagay na meron tayo. minsan naman,sa paghahangad ng mga bagay,nakakalimutan na natin makita yung value ng mga things na meron tayo. we usually forget to appreciate. appreciate and be contented. hindi masama maghangad ng mga bagay at mas mapabuti pa ang pamumuhay. pero sana,sa pag asam ng mga bagay bagay at tagumpay,naaalala parin natin tignan sa paligid natin at maapreciate ang anu mang meron tayo.

Magbasa pa

don't feel bad mamsh. yung partner ko, house husband while ako full time working tapos may mga sideline pa sa pag f'freelance. I never saw him as walang kwenta. I actually owe him and grateful for him kasi without him I won't be able to focus on my work and earn enough para ma sustain ang lifestyle namin. Hindi "Lang" ang contributions niya sa buhay namin. Malaking sacrifice yun kasi minsan nakaka degrade pero inaalagaan niya prin kami. walang kwenta ang kita ko kung hindi magaling sa role niya ang asawa ko. cheer up. malaking bagay ka sa family mo cyst

Magbasa pa
4y ago

thanks mamsh for this. nakakagaan ng loob😊

Super Mum

I feel you mommy, I became SAHM since pregnant kasi ofw kme both ni hubby, lately stress tlaga ako kasi si hubby lng nagwowork then nagstop mag operate ang company nila so wala muna dn syang work, naubos na rin savings namin sobrang nkaka stress na tlaga. I always pray na sna bigyan pa kme ng lakas ng loob para mairaos to, in the other hand I am thankful kasi healthy ang buong pamilya. Thanks for sharing mommy, nkakagaan lng na mkabasa ng gnito, nafeel ko na d ako nag iisa.

Magbasa pa

Minsan tayo ang nag iisip ng negative kaya tayo naiistress. Masuwerte ka dahil you have a husband na suportado ka kahit saan at anu pa mang bagay. Just keep on praying. Godbless your family.. 😇

4y ago

thanks momsh! Godbless to you and your family too😊

I agree mommy! We have to be thankful everyday sa kung anuman ang meron tayo 😊 contentment ang key para hindi tayo mastress 😊