sobrang thankful talaga ako na isang beses lang namin sinubukan ni hubby gumawa ng baby, dumating agad siya. lagpas 1 year na rin kasi kaming kasal pero puro kami withdrawal method lang dahil gusto pa namin ienjoy ang married couple life. june 27 2022 nag decide na kaming hindi na magwithdrawal method dahil gusto na namin magka baby. akala ko baka mahirapan kami kasi lagi akong tinatakot ng mama ko na 1 year na kaming di nagaanak baka mahirapan na kamk ulit mag anak. pero isang try lang namin, meron agad. ngayon going 5 months preggy na ako, mahirap pero kinakaya dahil ilang buwan nalang lalabas na ang first baby namin. so excited na makita siya this coming march!
nini