Skin color

Sobrang sakit marinig yung palaging nilalait yung baby ko πŸ˜” lalo na madalas kong marinig sa mga kapatid ko mga kapitbahay mga friends ng ate ko na nag papasyal sa bahay sa mga bayaw at bilas ko. Sa mga byanan ko na kesyo ang itim daw ng anak ko na malaki yung tenga kulot kesyo d pantat yung ulo πŸ˜” paulit ulit konalang naririnig kaya sobrang nasasaktan ako para sa anak ko πŸ˜” ganto paa feeling ng first time mom 😭para saken gwapo ang anak ko. Bat kailangan pang laitin sa kulay ng kanyang balat wala naman muwang yung bata kung laitin nila πŸ˜” ayoko lang silang patulan kasi kahit papano may respeto naman ako sa kanila. Kaya yung anak ko d ko nalang nilalabas ng bahay πŸ˜” Pa vent out!

Skin color
156 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang cute cute. nga po ng baby nyo ee.πŸ€— yaan nyo po cla mommy wag nyo nlang po pansinin ma stress lang po kayo. 😊

VIP Member

Hala ang cute nga eh haha sigurado pag laki ang pogi nyan. Nako wag mo nalang pansinin basta pogi anak mo tapos! πŸ₯°

mag-iiba pa kulay niyan. hintayin nila glow up ni baby. anak ko maitim nung pinanganak, ngayon ok nmn kulay niya.

ang pogi nmn po ng baby nyo mommy ah.. hayaan mo nlang sila..pra sa anak mo nman,mahalaga na Mahal na mahal mo xia..

baka me sakit sa mata mga kamag anakan mu ang pogi kaya ng anak mu ang cute pa ohh stay humble you're blessed πŸ₯°

AnG cutE nga po Ng baby mo ee .. malusog .. wag nyo nalang pong pansinin un mga GanunG Tao SA paligid mo ..

VIP Member

wag pansinin mommy. I lift up mo si baby dapat taung mga mommies ang best ever fans nila. Cutecute ni batman❀

ang cute nga po at pogi ng baby nyo.. huwag nyo po intindihin ang sinasabi ng iba. huwag po kayo paapekto.

dedmahin mo nalang sis. at tsaka habang lumalaki nman yan mag iiba din nman yan ng kulay at itsura eh ..

hayaan mo silang lahat sa kalalait sis...ang importante healthy si baby...blessing yan ni Lord sAu...

Related Articles