mga sissies pa-vent out lang
sobrang nasasaktan ako ngayon mga sis..although nakakausap ko naman si hubby tungkol dito kaso pakirmdm ko kelangan ko irelease yung nrramdaman ko sakit sa ibang way..kasi ganito yan mga sis..bakit kung sino pa kapamilya mo sila pa yung hindi lubusang makaunawa sa kalagayan mo ngayon?sila pa yung humuhusga sayo?nranasan niyo ba yung ganito?sobrang sakit at ang hirap kasi nung nde pa ako buntis ganito na sila sakin..sana magkaroon naman sila ng konting konsiderasyon sa kalagayan ko..gusto din nila kada meron celebration sa family makasama ako..hindi nga ako pumapasok no work no pay ako ngayon dahil force leave sa company dahil sa pandemic tapos gusto nila lahat ng family gatherings na madami tao mapuntahan ko..hindi nila maintndihan na risky para satin mga buntis na sumama sa mga ganun okasyon..nasasaktan ako mga sis kasi gusto ko maintindihan nila ako pero sila pa yung nakikipagtiisan sakin ngayon..madami pa nakikialam sa sitwasyon nandyan na pati mga kapatid ng nanay ko sinusulsulan siya na wag daw ako replyan sa lahat ng mga chat ko..gaano na lang kasakit sakin yun..sobrang sakit mga sis..sorry kung mahaba post ko..gusto ko lang may masabihan na iba bukod sa asawa ko..#advicepls #notobashplease



